President Gloria Arroyo

Former President Joseph Estrada

Hindi man katanggap-tanggap sa atin ang naging pahayag ng COMELEC na payagang tumakbo muli sa pagka-pangulo si Estrada kahit labag ito sa Saligang Batas ng ating bansa, mas kinikilala ko parin siya bilang isang Pangulo kaysa sa naka-upo ngayon. Mas tanggap ko na ang pagtakbo niya muli kaysa sa pagtakbo ng isa sa Kongreso. Kahit ano mang sabihin ng iba na intellectually superior si Arroyo kaysa kay Estrada, wala pa ring patunay ito. Hindi naman napaganda ng current administration ang ekonomiya kahit mas matalino ang pangulo. Mas mataas pa nga ang GDP growth noong panahon ni Estrada kaysa kay Arroyo. Yun lang, talo na siya. Hindi rin natin dapat kalimutan that Estrada willfully faced his accusers. Binitiwan niya ang pagka-pangulo. Hindi naglabas si Estrada ng CPR o Calibrated PreEmptive Response para lang kontrolin ang mga mamamayang nagagalit sa kanya. Wala ring Oplan Bantay Laya na haharang sa mga babatikos sa kanya. Hinarap niya ang mga accussations sa kanya. Hindi siya nag I’m sorry pero patuloy paring hinawakan ang pagka-pangulo. Walang nangyaring pag-sesensor sa mga nagsasalita laban sa kanya, radyo man o TV. Corruption at plunder ang pinakamalaking pagkakamali ni Estrada. Pero ang pangulo ngayon,  siya na mismo ang pagkakamali. Si Estrada, ibinoto at inihalal ng mga tao, naluklok siyang alam nating naging tunay ang eleksyon hindi katulad ng pumalit sa kanya na walang mandate at nadaan lamang sa Hello Garci ang pagkahalal. If I were to choose between the two, Estrada is the man.

I’ve just read a 150 peso autobiography of Senator Chiz Escudero. It’s entitled Say ni Chiz. It’s quite revealing and entertaining. The whole book is written in conversational Taglish. I tried to copy his style by doing a Taglish post here. Anyway, you’d really love how he told his life in the book. It is also accompanied by simple drawings known as comics. It also revealed the personal side of him. Give it a try!

Popularity: 89% [?]

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Hindi Ako Magnanakaw I have just seen the “Hindi Ako Magnanakaw” advertisement of...
  2. PGMA’s Last SONA Thank you. Ladies and gentlemen, good afternoon. Before I begin...
  3. Pasasalamat at Pagpupugay! 04:30 PM. The START. Nanood kasama ang mga kaibigan ng Miss...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.