Pasasalamat at Pagpupugay!
04:30 PM. The START. Nanood kasama ang mga kaibigan ng Miss You Like Crazy. Kahit pinipilit kong maging masaya at kiligin sa mga silent and sweet moments ni John Lloyd at ni Bea, hindi ko pa rin kinaya. Gusto ko ng humingi ng oxygen tank dahil hindi na talaga ako maka-hinga. At the same time, kahit pilitin kong hindi mag-isip, 6 PM na, sarado na ang polling center and it's time to count the votes na.
07:30 PM. All CELLPHONES are BLOCKED. NO NEWS from the OUTSIDE WORLD. Candidates were not allowed to check their phones and to ask their friends for updates. Nag-dinner ang ASAP-Katipunan council members sa Dencio's in Robinson's Manila. Dedication writing at kulitan para makalimutan ang nakakakabang eleksyon.
09:00 PM. MARCH to Roxas Boulevard. The council people from AK stayed sa Roxas Blvd para sa fresh air and mabura ang mga pressure na nararamdaman ng bawat isa. STILL, no news from the outside world. Kanya-kanyang tawanan, kuwentuhan at kulitan habang nakatitig sa Manila Bay at nag-iintay ng resulta ng botohan. Nagkaroon ng mga dramahan dahil sa spin the bottle at na-ungkat ang mga love story ng mga candidates, nagkaroon rin ng pagplaplano sa mga gagawin at naglaro rin para mawala ang kaba. OXYGEN TANK PLEASE! Hindi na ako makahinga talaga.
*SELECTIVE POWER INTERRUPTIONS.
According to reports, ang mga kolehiyo kung saan nagblakcout ay CAS, CPharm, CDent at CNursing- mga kolehiyo kung saan leading ang ASAP-KATIPUNAN. Sa kabilang banda, hindi nawalan ng kuryente sa College of Allied and Medical Profession, College of Med at College of PubHealth. (Marikiris De Guzman)
Pero by this time, wala naman talaga kaming alam sa mga nangyayari, later on ko nalang nalaman na may nangyaring ganito.
01:30 AM. THE CALL. Tumawag na ang mga representatives na nasa botohan na panahon na para pumunta sa OUR building at malaman na ang resulta ng eleksyon. OXYGEN TANK! OXYGEN TANK! PGH! PRAMIS! Pumunta kami sa nearest fastfood outlet para kumain. Chowking Padre Faura! At doon na rin nangyari ang announcement of AK winners. Nag-iyakan, kinabahan, pero nabuhayan ng loob.
USC Chair: CES SANTOS!
USC Vice Chair: MAC PANGANIBAN!
USC Councilors:
MUDIR ESTRELLA!
FRANK ABRIS!

- The University Student Council, ASAP-Katipunan!
CAS Chair: ELLEN TAYAG!
CAS Vice Chair: CLEVE ARGUELLES!
CAS REP: CHRISTINE BANGUG!
REPs@LARGE:
NIKKI GREGORIO!
NIKKOS MONROY!
REGINA DECANGCHON!
BATCH REP:
KENNETH MORE! :D

- The College of Arts and Sciences Student Council, ASAP-Katipunan!
Nanalo po sa tulong ninyo ang isang konsehong ASAP-Katipunan, isang konsehong tunay, palaban at makabayan!
01:45 AM. MARCH TO OUR! Isang proclamation rally ang isinagawa sa OUR building. Walang kamatayang tunay, palaban, at makabayan chant, hiyawan at nagkaroon rin ng isang maikling programa ng pasasalamat, pagpupugay at paghamon sa lahat.
PASASALAMAT at PAGPUPUGAY po sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan na TUMAYO para sa PAGBABAGO. Taos-pusong pasasalamat na nagkaroon tayo ng isang 95 percent voters turnout sa CAS na makasaysayan in terms of percentage. Nagtiwala po tayong mga estudyante sa linya, prinsipyo at paninindigan ng ASAP-Katipunan na ang edukasyon ay isang karapatan at ang mga Iskolar ng Bayan ay hindi nahihiwalay sa bayan. Ang pagpili niyo po sa inyong tunay, palaban at makabayang konseho ay hamon sa lahat na maki-isa at maki-tulong sa pagkilos para sa tunay na pagbabago!
MARAMING SALAMAT. Umpisa na nga ng trabaho! Umpisa na ng serbisyo! Umpisa ng paglilingkod! ITO NA TO. Ito na ang pagtayo ng lahat para sa tunay na PAGBABAGO! Hindi ito tagumpay ng ASAP-Katipunan, ito ay tagumpay ng bawat isang ISKOLAR NG BAYAN at ang mas nakakaraming mga mamamayan. Ang tiwala niyo, hindi mababalewala.
You chose the best! I'm now here to serve.
PAGPUPUGAY at PASASALAMAT mula sa inyong CAS Vice Chairperson, Cleve Arguelles! :D

Pro-student, pro-environment and pro-people. TUNAY. PALABAN. MAKABAYAN. ASAP-Katipunan! :D
Popularity: 3% [?]
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.


March 5th, 2010 - 15:08
Congrats kuya cleve! Congrats kay Ate Ces! Anggaling! >:D< Go ASAP Katipunan! :)
[Reply]
March 5th, 2010 - 16:50
Congrats! Well deserved victory for ASAP Katipunan! :)
[Reply]
March 5th, 2010 - 18:59
One big high-five, ASAP-Katipunan! And super duper congrats, Dude. ;)
[Reply]
March 5th, 2010 - 20:17
Congrats and GOOD JOB, Cleve! :D
[Reply]
March 5th, 2010 - 21:27
SUPER CONGRATS, CLEVE :) SERVE THE PEOPLE !
[Reply]
March 6th, 2010 - 02:57
Galingan mo Cleve.
Always remember your prime goal: SERVICE.
Congrats!!! :)
[Reply]
March 6th, 2010 - 05:36
Congrats ate Ces at kuya Cleve!
[Reply]
March 6th, 2010 - 16:41
CONGRATULATIONS! :D
TUNAY.
PALABAN.
MAKABAYAN!
[Reply]
March 7th, 2010 - 02:01
congratulations partner! >:D<
congratulations AK!
good luck!
[Reply]