CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

24Jul/1016

Tumbasan

No Gravatar

Katumbas ng bawat ngiti mo ay ang paggaan ng loob ko. Katumbas ng bawat 'hi' mo ay ang pagsarap ng pakiramdam ko. Hindi ka naman espesyal at lalong hindi naman kita mahal. May naalala lang kasi ako sa'yo. Sa tuwing nakakasalubong kita sa kolehiyo, binabalik mo ang nakaraan ng buhay ko. Katumbas mo kasi ang nakaraan ko. Kaya naman napapangiti mo ako. Pero katumbas rin ng bawat ngiti mo'y mga Bad Vibes sa araw ko. Naalala ko kasi siya. Bwisit. Nakakaasar na memorya.

Ikaw na katumbas niya, magparamdam ka naman kasi. Kumustahin mo kaya ako? Miss na kasi kita eh. We can communicate easily now. Meron na ngang Facebook eh. Why can't you just tell me? I can accept it. Promise. Katumbas ng pag-amin mo ay ang katahimikan ko.

Minsan lang ako magsulat ng ganito. Malungkot lang kasi talaga ako. Ang lamig pa ng hangin at talagang may 'loneliness is in the air' feeling ako nitong mga nakaraang linggo. Pilit kasing napapaalala sa akin na may kulang sa buhay ko na minsang pinunan mo. Pero, alam ko, malabo na ito.

Tatanggapin ko nalang muna ang ngiti ng nakakasalubong ko. Tatanggapin ko nalang muna ang 'hi' na nagpapagaan ng loob ko. Tatanggapin ko nalang muna ang panandaliang ligaya na nararamdaman ko. Pero hindi siya ang nakaraan ko. Hindi mo siya katumbas. Wala kang katumbas sa puso ko.  Ano? Pwede pa ba tayo?

Popularity: 3% [?]

  • Share/Bookmark

No related posts.

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Filed under: Personal Leave a comment
Comments (16) Trackbacks (0)
  1. At nasabi ko na ba sa’yo na nakakahawa ang loneliness na ‘yan? Pero sige, pagbigyan naaaa.

    *AKAAAAAAAAAAAAAP*

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    Nahahawa ka? That’s sad Kapatid. :|

    [Reply]

    Nikki GregorioNo Gravatar Reply:

    Oi Kapatid. Hindi ako nahawa. May naalala lang rin. Pero parang ganun na rin. Mas iba lang ang gusto kong mangyariiiii.

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    You want closure? Right? ;)

    [Reply]

  2. awww. bakit ang lungkot nito kuya cleve?
    cheer up! :D

    *HUUUUUUUUUUUUUUUUUUUG* >:D<

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    Dapat ba masaya palagi? :)

    [Reply]

  3. “Tumbasan” sounds political to me. Hindi pala. Haha!

    Well, what can I say, “pwede pa kayo”!! :P

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    Although the personal is the political, minsan talaga may divide. :)

    Ikaw na talaga ang nag-decide! :D

    [Reply]

  4. SINO YAAAAAAAAN O.O

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    Secret! :))

    [Reply]

  5. Are we talking about the same person? Sa post ko din? :( Grabe I miss you na din. Parang Tuesday seemed so long ago. :(

    [Reply]

    clevearguellesNo Gravatar Reply:

    Nooooooooo! We’re not talking about the same person. Ever. Haha. I don’t want her na. She’s too, ahm, fluid for me. This is my past, as in way before College. :P

    Yeah! Miss you too! Ang saya mo kasi matulog sa bahay niyo! :)

    [Reply]

    marielNo Gravatar Reply:

    HAHAHA. AAAAAAAAHHHHHH! AAAAAAAAAHHHHH! AAAAAAAAHHHHHH! Hahaha. Nanghuhula lang ako kung sino kasi ang dami nun eh. HAHAHA.

    E kasi hinihila ako ng kama lagi. Mararanasan din ni Jeryl na hilahin ng kama namin kasi makikitira siya dito. Hahaha.

    [Reply]

  6. P.S Naaalala ko si Mr. Tortilla dun sa avatar ni Nikki. Natawa ko. Matawa ka din.

    [Reply]

    Nikki GregorioNo Gravatar Reply:

    Iel! Paano magpalit ng avataaaaaar?

    [Reply]

  7. ikaw na ba to kuya?? nakakagulat! pinahanga molo sa artworks mo, call it aarts for me…you’ve gone a long way baby! im glad you have inherited the arguelles writing itch. just keep this moving love you Godbless!

    [Reply]


Leave a comment

(required)

No trackbacks yet.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright