Politics Behind Honor and Excellence
Traditional Politicians
Ang UP School of Economics Student Council, Si Prof. Winnie Monsod, ang UP College of Business Administration Student Coucnil, ang UP Diliman ALYANSA at syempre, ang AKBAYAN Youth UP Diliman. Sino ba sila?
Mainit na sinalubong ng bawat isa sa atin ang isyu sa pagkaltas sa badyet ng UP, ng ibang SUCs, at ng iba pang serbisyong panlipunan. Nagalit. Nainis. At nagpahayag ng pagtutol at labis na pagkadismaya sa mga plano ng bagong pangulong si Aquino III. Nag walkout, nag strike, nag march, pumunta sa Kongreso at Senado at todo-todong inilaban na dapat bigyan ng mas mataas na pondo ang mga pampublikong pamantasan. Ito ang isyung bumabagabag sa ating mga Iskolar Ng Bayan.
Pero hindi sa kanila. Sila lamang ang mga taong hindi mo naman narinig na sumuporta sa laban natin sa budget cut o kaya naman ay huli na (mismong araw na ng strike). Sila lang naman ang mga naging pabor at nagpahayag na napapanahon na ang pagtaas ng tuition fee nung 2006 sa UP. O kaya naman ay parang wala sila UP, walang sinasabi, pipi at walang imik. At ngayon, may pinipilit silang binubuhay na isyu. Pilit na pilit. Ito siguro ang depinisyon niyo ng karangalan at kahusayan. Buti na lang, inyo lang yan.
Natatandaan niyo ba ng tawagin tayong "noisy few" dati noong tumututol tayong mga Iskolar Ng Bayan sa 300 percent na pagtaas ng tution fee? Ibabalik ko lang sa kanila. This time, it's for real. Noisy few kayo!
Dagdagan pa natin, ang AKBAYAN, which is represented by the AKBAYAN Youth in UP Diliman voted in the Congress in favor of the enactment of the 2011 Proposed Budget. Bumoto sila na mabawasan ang budget ng UP at ng SUCs. Honor? Excellence?
Dapat sa UP bawal ang traditional politicians.
'Making a mountain out of a molehill’
Bakit ba kasi pilit na ginagawang isyu ang hindi naman isyu? Kapag may isyu, wala kayong sinasabi. Ito kayo ngayon, gumagawa ng sariling isyu. Pinananawagan niyo na bumaba sa pwesto si Rain Sindayen bilang USC Chair ng UP Diliman. Sinabi niyo na hindi na si Ces Santos ang USC Chair ng UP Manila. Kailan ba kayo magtatanda? Ano pa ba ang gusto niyong malaman?
Rain Sindayen is now officially enrolled in a degree program in UP Diliman. Dahil nga napakaloob na siya sa loob ng USC, Constitution ng USC ang dapat na gumabay sa estado niya. He is still the UPD USC Chair. Ipinipilit niyong dapat siyang mapailalim sa Student Electoral Code. Hind nga pwede. Hindi naman kasi eleksyon, napapaloob na siya sa batas ng USC. Intindihin niyo naman. Excellence nga di'ba? Palibhasa, eleksyon palagi ang nasa isip eh.
Our USC Chair here in UP Manila is still Ces Santos. Her Chairpersonship was reaffirmed by the USC General Assembly which serves as the highest policy- and decision-making body of the USC. Her case is still on appeal. And we, the students, stand by her that there is an irregularity in her case.
Sabi nga ni UP College of Law Dean Raul Pangalanan, these people are just 'making a mountain out of a molehill.'
All for elections
Pero bakit ba kasi may "Honor and Excellence" statements kayo?
Kasi naman, natatakot na kayo. Hindi kayo narinig ng mga estudyante tungkol sa isyu ng budget cut. O hindi lang talaga kayo naririnig ng mga estudyante sa kahit ano pang isyu. Sabi nga nila, character assassination. Pwede rin namang, shoot others down. At inadopt niyo naman bilang strategy.
Tiwala na ang mga estudyante sa mga aktibistang lider estudyante dahil sa kanilang dedikasyon at husay na paglingkuran ang mga Iskolar Ng Bayan at sambayanan. Mula unang araw noong Agosto na nalaman natin na may pagkaltas sa badyet, wala na silang pagod na humarap sa hamon na ipaglaban ang UP bilang isang pamantasang bayan at ipaglaban ang karapatin natin sa edukasyon. Nakita at nasaksihan ng mga estudyante kung sino ang kumikilos ng buong taon, yung hindi lamang Pebrero at papalapit na sa eleksyon.
Walang honor at excellence sa strategy niyo. Gagawin niyo talaga all for elections o pwede rin namang re-election.
Honor and Excellence, Where Art Thou?
Sa panahong kailangan namin kayo, iniwan niyo kami. Sa panahong nanganganib tayong mga estudyante, anong pinagkakaabalahan niyo? Ito ang tanong at isyu na dapat sagutin niyo? Honor? Nasaan ang karangalan? Karangalan bang hindi gampanan ang tungkulin? Excellence? Mahusay bang maituturing na kaligtaan ang sinumpaang tungkulin? Nasaan ang karangalan at kahusayan?
Ano ba ang sukatan ng karangalan?
Hindi ba maaring maging sukatan ang paglilingkod ng buong puso sa bayan? Ang pag-alay ng talento, talino at iba pang kakayahan sa ikalalaya ng sambayanan? Para kanino ba ang inyong karangalan? Para sa sarili? Para sa iilang tao lamang? O para sa mamamayan?
Nasusukat nga ba kung sino ang mas marangal?
Maari. At hindi kayo yun.
Ano ba ang sukatan ng kahusayan?
Ang mataas na grado? Ang madaming uno? Sa kantang UP Ang Galing Mo, nabanggit ba dun kung bakit daw tayo magaling? Kung bakit daw tayo mahusay? Nasabi ba dahil mataas ang ating grado? O dahil madami tayong uno? Mahahanap mo rin yan sa ibang pamantasan.
Pero ang kahusayan natin ay mananatiling dahil tayo ang isang pamantasang naglilingkod sa interes ng samabayanan.
Huwag niyong ipagmalaki ang bagay na wala naman kayo. Kung may pagkakataon man na magiging pamantayan natin ang karangalan at kahusayan bilang sukatan sa mga nais maglingkod sa loob ng USC at iba pang SCs, sinasabi ko sa inyo, mananatiling mga aktibistang lider-estudyante ang makakagampan dito.
Honor and Excellence, where art thou?
Para kanino?
Pinagbabangga ang aktibismo at ang kahusayan. Pinagbabangga ang aktibismo at ang karangalan. Bakit ba target ng dilawan at asulan ang pulang aktibismo?
Mainam naman talagang mabalanse ang pang akademikong pag-aaral at ang pakikibaka para sa pagbabago ng isang aktibista. Mainam kung maituturing na sabay na gampanan ang dalawang bagay na ito. Pero hindi nila pwedeng ipagmalaki ito. Kasaysayan ang makakapagsabi na hindi nila nabalanse ang dalawang bagay na ito. Ang mga dilawan at asulan ay hanggang pangakademikong kahusayan lamang at mahusay lamang maglingkod kapag eleksyon na. Minsa nga, pareho pang wala sa inyo yan. Kaya't sa huli, pinakamainam pa ring sagutin ang tanong na para kanino?
Para kanino ba isang araw na pagliban sa klase para sumama sa pagkilos laban sa pamahalaang tinatapakan ang karapatan ng kabataan para sa edukasyon? Para kanino nga ba?
Para kanino naman ang siraan ang mga aktibistang nananawagan para tutulan ang budget cut? Para kanino nga ba ang ginagawa niyo?
Ang mataas na porma ng sakripisyo ng mga aktibista, ang kanilang nag-aalab na dedikasyon na baguhin ang sistema at ang kanilang walang pagod na pakikibaka, para kanino nga ba? Para sa bayan, para sa kinabukasan.
Para mapalaya ang inaaping sambayanan.
------
Maari ring basahin ang mga ito:
Isinulat ni UP Faculty Regent Judy Taguiwalo- Academic Excellence and the Costs of Universal Public Education.
Isang malalim at matalas na pagtalakay sa isyu ng isang UP Sociology Professor na si Gerry Lanuza- Demythologizing the Fetish of Academic Excellence.
Isinulat naman ni Mykel Andrada para sa Pinoy Weekly- Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante.
Pagtulisa sa kawalan ng prinispyo ng Akbayan at Alyansa mula kay Anton Dulce ng Anakbayan National Office- Look Ma, no principles!
Popularity: 5% [?]
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.


