Why should you (not) join the strike?
Mapa-klase o mapa-lunch break man, masipag na iniikot ng mga lider estudyante ang pamantasan upang magpaliwanag kung bakit may kaltas sa badyet at kung bakit dapat mag-strike. Nakakapagod na siguro marinig kung bakit dapat sumama sa strike, pero madami pa ding bumabagabag sa isipan mo kung paano sasagutin ang tanong na, 'Bakit hindi dapat sumama sa strike?'
Madaling sabihin kung bakit dapat sumama. Makatwiran, makatarungan at tama lamang na ipaglaban ang badyet sa edukasyon at kalusugan. Pero bakit hindi dapat sumama sa strike?
(1) There are other venues/means of achieving higher education and health subsidy.
Maka-ilang beses ko na sigurong narinig ito. Narinig mula sa mga tao na kahit sila mismo ay hindi naman ginagawa ang 'other venues/means' na sinasabi nila. Madami kung dami lang naman ang batayan ng ibang paraan upang iprotesta ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon at kalusugan. May social media at alternative media para magpahayag ng galit at magmulat ng iba at meron namang lobbying at negotiations with the legislators para makamit ang mas mataas na badyet. May mali? Wala. Pero kapag paulit-ulit mo na itong ginagawa, kagaya ng ginagawa natin, mapa-Batasan man o Senado, at wala kang nakukuhang matinong 'OO, suportado ko ang laban ninyo' o kaya naman ay 'OO, gusto ko din taasan ang badyet para sa serbisyo,' may mali at may kailangang baguhin. Mismong ang dakilang syentista na si Albert Einstein ang nagsabi na ang paggawa sa isang bagay ng paulit-ulit at walang pagbabago sa istilo pero naghahangad ka ng resulta na bago ay katangahan.
Kakatok ka sa opisina ng isang mambabatas, papasukin ka at aalukin ng kape o kaya naman ay pagkain, makikipag-usap, papayag na itaas ang badyet pero pagdating sa plenaryo at nagbotohan na sa kongreso, wala ka namang makikitang boboto. O kaya naman ay kakatok ka sa opisina ng mga senador, pag-iintayin, makakausap sila ng limang minuto, pero ang isasagot sa'yo ay may bagay na walang kaugnayan sa ipinaglalaban nyo. Remember, ang kausap natin ay mga politiko. Mga politikong, sa kadalasan, ay hindi naman hangad ang pagbabago.
Kung Facebook naman o kaya Twitter, maganda talagang gamitin ito upang magsilbing pamamaraan para mahikayat ang iba na sumama sa ating laban. Hindi dapat maging end ang mga ito bagkus ay mga means to an end lamang dahil ang boses sa lansangan ay mas dinig padin kaysa sa boses sa internet world. It pays to maximize social media pero it pays to know its limitations. Kaya nga may ganito akong blog at kaya nga kapag di ko kaharap ang blog ko ay nagpapaliwanag ako sa mga kapwa ko estudyante.
Maraming pamamaraan. Sabi ng iba, 'there are many other mechanisms than the strike.' Yes, there are many other mechanisms. Pero at the end of the day, which mechanism is more effective? Last year's strike led to an additional budget for SUCs. What mechanism best captures our sentiments? Hindi ko ata kayang maupo na lamang at mag Facebook kung mismong gobyerno ko ay ayaw akong pag-aralin at papasukin sa ospital.
Malinaw. Strike ang siyang simbolikong pagpapatunay na tayo ay seryoso sa ating laban.
(2) May examination ako sa (insert subject here), quiz sa (insert subject 2 here) at requirement na kailangan ipasa sa (insert subject 3 here).
Estudyante din ako, alam ko kung gaano kaliit ang oras na meron tayo sa isang araw upang punan ang demanding na pangangailangan ng ating pamantasan. Exams, quizzes, requirements at kung ano-anong mga bagay na kailangang paghandaan sa araw-araw na umuubos sa ating oras. Pero bakit mo pipiliin ang strike?
Dahil kung gaano kaliit ang oras na meron tayo para magawa lahat ng kailangang gawing requirements, ganun na lang din ang oras na meron tayo para biguin ang nakaamba na namang kaltas sa ating badyet. Tayo, ang problema natin ay exams at quizzes. Pero milyon-milyong kabataan ang problema ay kung paano makakapasok ng kolehiyo at mga pamantasan. Shouldn't we give them a chance?
Kapag na-miss natin ang exam o ang klase, may ilan pang pagkakataon kung hindi man marami, na maari natin itong makuha muli. I-set ang make-up exam o kaya naman ang make-up class, paglaanan lang ng panahon. Pero yung milyon-milyong kabataang itinulak ng kahirapan at mataas na matrikula sa mga paaralan kaya hindi nakakapag-aral ay nakasalalay sa ilang araw nating strike para masubukan din nila ang exams o kaya naman ang klase. At yung mahirap dun, wala ng maise-set na make-up strike kung hindi natin ito tutugunan.
Pero baka mahalaga talaga ang araw na iyon para sa iyong kinabukasan. Ang mismong araw na yun ang magdidikta kung makakatapos ka ba ng kolehiyo o kaya naman kung ikaw ay may laude. Kapag hindi ka nakapag-exam, hindi ka na magiging doktor o kaya naman abogado kagaya ng pangarap mo.
Ilang milyong kabataan ang may mga pangarap din na katulad mo pero isinantabi na nila dahil wala silang kakayahang abutin ito? Kahit saan ka siguro magpunta sa Pilipinas, may maririnig kang, 'Gusto ko sana maging doktor kaso...' o kaya naman ay 'Gusto ko sana maging abogado kaso...' Kaso, madaming balakid. At pinakamalaking balakid ay ang kawalan ng badyet sa edukasyon. Sa araw na sumama ka sa strike at makabawas man ito ng konting panahon sa iyong stepping stones to your success, pagkatapos ng strike, pwede mo na ulit buuin ang iyong mga pangarap at planuhin ang iyong matagumpay na buhay. Pero sila, hindi. Nakasalalay ang mga pangarap nila sa kung may lalaban ba sa kasalukuyang panlipunang kaayusan na inaagawan sila ng pangarap at kinabukasan.
Kung sa totoo lang, gusto nating mag-aral ng mapayapa. Sino bang gusto ng walkouts at strikes? Pero panandalian nating ipagpapaliban ang ating pag-aaral kasi may hindi nakakapag-aral at balak pa ng gobyernong ito na mabawasan ang mga nakakapag-aral. Itinutulak tayo ng katwiran na lumabas ng ating mga silid-aralan upang ipaglaban ang makatwiran, makatarungan at maka-taong badyet sa edukasyon.
(3) Mainit kaya dun! At magulo sabi ng magulang ko at sa nakita ko sa TV!
Ilang beses na ba akong sumama sa pagkilos? Ang hirap na kasing ipikit ng mga mata at magbulag-bulagan kapag alam mong mali ang nangyayari sa iyong palagid. Ilang beses na ba akong bumilad sa araw dahil sa tingin ko wastong ipamahagi ang lupa sa magsasaka at bigyan ng dagdag sahod ang mga manggagawa?
Alam nyo, di ko na mabilang. Pero ilang beses na ba akong nagreklamo na mainit sa lansangan at ayokong nabibilad sa araw? Hindi ninyo alam pero hindi ko na din mabilang. Pwede namang magdala ng payong, sa tingin ko hindi ipinagbabawal. Pwede ring huwag mag-jacket at magsuot muna ng light clothes, mainit talaga o kaya naman mabigat ang basang damit kapag naulanan.
Minsan lang tayo mainitan. Mapa-classroom o mapa-malling time natin, aircon naman. Pero kapag nakita mo yung madaming kabataang hindi nakakapag-aral at sa halip ay nagpepedicab, namamalimos o kaya naman ay kargador sa kasagsagan ng init ng araw, ipapasalamat mo na na isang araw ka lang mabibilad sa mainit na araw.
At hindi naman magulo. Paborito lang talagang kuhanan ng media ang mga eksenang ganun para matuwa ang mga manonood. Para mapansin ng manonood, kailangan talagang over-sensationalized at under-analyzed ang mga coverage sa mga ganitong pagkilos.
Mapayapa at kadalasan pa nga ay masaya ang mga pagkilos. May iba't-ibang kulturang pagtatanghal kagaya ng sayaw, kanta o kaya naman pagtula at madami ding magsasalita ukol sa iba't-ibang isyung panlipunan sa bansa.
Hindi naman talaga magulo. Ang magulo lang talaga ay ang gobyerno ni Aquino. At kaya tayo may strike ay para isaayos ito.
(4) Mga iba pang dahilan na sa tingin mo ay mas mahalaga kaysa sa karapatan sa edukasyon at kalusugan ng milyong-milyong Pilipino. O kaya naman mga bagay na kailangan mong gawin mismo sa mga araw na iyon na sa tingin mo ay mas kailangan kaysa sa pagbawi sa kaltas sa badyet ng mga pamantasan at mga paggamutan.
Eh para saan pa na iskolar ng bayan ka? Ang sabi sa atin sa classroom, kapag may mali, dapat itama. Malinaw sa atin na mali ang pagkaltas sa badyet kaya dapat nating itama. Kapag walang tututol, aakalain nilang okay na tayo sa kaayusang mataas ang badyet ng pork barrel at military pero wala para sa mga guro, libro at iba pang pasilidad na kailangan natin. Silence means yes! Kaya naman kailangan nating basagin ang ating mga katahimikan.
Kung hindi binasag ng mga dakilang bayaning kagaya nina Rizal at Bonifacio ang kanilang mga katahimikan, malamang sa malamang ay walang UP at ang simbahan padin ang pinakamalaking pamantasan, indio pa din ang tawag sa iyo at alila padin tayo ng hari ng Espanya.
Utang natin ang ating kalayaan at karapatan mula sa mga Pilipinong hindi nag dalawang-isip na basagin ang kanilang mga katahimikan noon.
Walang pondo para sa gustong mag-aral o sa gustong magpag-gamot. Pero may pondo para sa gustong magnakaw sa bayan, lumabag sa karapatang pantao at pagpapayaman sa mga dayuhan. May gobyerno pero wala tayong pakinabang dito. Sa darating na strike, itatama natin ang mga kamaliang ito at magiging utang sa atin ng susunod na henerasyon ang libre, de-kalidad at makabayang edukasyon.
Popularity: 5% [?]
Related posts:
- Firetrucks, Batuta at Bato: Argumentum Ad Baculum* Firetruck, batuta, bato---pandarahas ang iniharap ng Kongreso ng mapayapang ini-rehistro...
- Deconstructing Iskolar Para sa Bayan Simula pa man noon, malinaw na sa atin na mapanghati...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

