On Corona and Avila: Our Quest for Accountability and Justice
Truly, UP is the microcosm of the Philippine society. The case of the impeachment of the SC Chief Justice Corona is not different from the case of Avila in UP Cebu. These two cases speak of accountability, democratic governance and justice.
Corona’s impeachment is a step forward in our quest to make Arroyo accountable. His decisions favoring and protecting Arroyo, his questionable wealth and undeclared assets, and alleged corruption all prove that there was an abuse of power; his integrity is compromised and he serves not the interests of the people but only himself and Arroyo. The on-going impeachment trial subjects Corona to a process of people demanding accountability for his betrayal of public trust and failing to serve the interests of the people. Corona’s conviction will send a chilling signal to our public officials: that we mean it when we say that public office is a public trust.
Demanding accountability also plays in the case of UP Cebu Dean Avila. The case of Avila, which will be decided by the UP Board of Regents, speaks of the same circumstances in the case of Corona. Avila used her position to serve her interest, set aside democratic governance and abused the power that the UP Cebu Community trustingly gave to her. Corruption, illegal dismissal of personnel, and self-serving decisions may sound much similar to Corona’s deeds but found its way to UP Cebu thru Avila. Avila betrayed the trust of the UP Cebu community, and now they are demanding accountability and justice. To acquit Avila and reverse the ruling of the Academic Disciplinary Tribunal to dismiss them will send a wrong signal to the members of the UP community pushing for justice, democratic governance and accountability.
This is why our involvement in both cases is a crucial and key factor. The cases of Avila and Corona are a manifestation that we are serious when we say that power is in the hands of the people. To quit this battle or to fail in this will set a dangerous precedent that public officials can be corrupt, undemocratic or abusive without the people making them pay for it. It will not be the BOR or the Senate that will ensure that this happens. Ours is the power and the choice to make it happen.
We do not want the Arroyo court to be an Aquino court and we don’t want another Avila rule in UP Cebu. This means that our task doesn’t end in convicting Avila and Corona. Our involvement should be unending, our vigilance heightened and our unity strengthened that be it the Supreme Court or in UP Cebu, public officials should serve the interests of the majority. ###
Popularity: 1% [?]
Why should you (not) join the strike?
Mapa-klase o mapa-lunch break man, masipag na iniikot ng mga lider estudyante ang pamantasan upang magpaliwanag kung bakit may kaltas sa badyet at kung bakit dapat mag-strike. Nakakapagod na siguro marinig kung bakit dapat sumama sa strike, pero madami pa ding bumabagabag sa isipan mo kung paano sasagutin ang tanong na, 'Bakit hindi dapat sumama sa strike?'
Madaling sabihin kung bakit dapat sumama. Makatwiran, makatarungan at tama lamang na ipaglaban ang badyet sa edukasyon at kalusugan. Pero bakit hindi dapat sumama sa strike?
(1) There are other venues/means of achieving higher education and health subsidy.
Maka-ilang beses ko na sigurong narinig ito. Narinig mula sa mga tao na kahit sila mismo ay hindi naman ginagawa ang 'other venues/means' na sinasabi nila. Madami kung dami lang naman ang batayan ng ibang paraan upang iprotesta ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon at kalusugan. May social media at alternative media para magpahayag ng galit at magmulat ng iba at meron namang lobbying at negotiations with the legislators para makamit ang mas mataas na badyet. May mali? Wala. Pero kapag paulit-ulit mo na itong ginagawa, kagaya ng ginagawa natin, mapa-Batasan man o Senado, at wala kang nakukuhang matinong 'OO, suportado ko ang laban ninyo' o kaya naman ay 'OO, gusto ko din taasan ang badyet para sa serbisyo,' may mali at may kailangang baguhin. Mismong ang dakilang syentista na si Albert Einstein ang nagsabi na ang paggawa sa isang bagay ng paulit-ulit at walang pagbabago sa istilo pero naghahangad ka ng resulta na bago ay katangahan.
Kakatok ka sa opisina ng isang mambabatas, papasukin ka at aalukin ng kape o kaya naman ay pagkain, makikipag-usap, papayag na itaas ang badyet pero pagdating sa plenaryo at nagbotohan na sa kongreso, wala ka namang makikitang boboto. O kaya naman ay kakatok ka sa opisina ng mga senador, pag-iintayin, makakausap sila ng limang minuto, pero ang isasagot sa'yo ay may bagay na walang kaugnayan sa ipinaglalaban nyo. Remember, ang kausap natin ay mga politiko. Mga politikong, sa kadalasan, ay hindi naman hangad ang pagbabago.
Kung Facebook naman o kaya Twitter, maganda talagang gamitin ito upang magsilbing pamamaraan para mahikayat ang iba na sumama sa ating laban. Hindi dapat maging end ang mga ito bagkus ay mga means to an end lamang dahil ang boses sa lansangan ay mas dinig padin kaysa sa boses sa internet world. It pays to maximize social media pero it pays to know its limitations. Kaya nga may ganito akong blog at kaya nga kapag di ko kaharap ang blog ko ay nagpapaliwanag ako sa mga kapwa ko estudyante.
Maraming pamamaraan. Sabi ng iba, 'there are many other mechanisms than the strike.' Yes, there are many other mechanisms. Pero at the end of the day, which mechanism is more effective? Last year's strike led to an additional budget for SUCs. What mechanism best captures our sentiments? Hindi ko ata kayang maupo na lamang at mag Facebook kung mismong gobyerno ko ay ayaw akong pag-aralin at papasukin sa ospital.
Malinaw. Strike ang siyang simbolikong pagpapatunay na tayo ay seryoso sa ating laban.
(2) May examination ako sa (insert subject here), quiz sa (insert subject 2 here) at requirement na kailangan ipasa sa (insert subject 3 here).
Estudyante din ako, alam ko kung gaano kaliit ang oras na meron tayo sa isang araw upang punan ang demanding na pangangailangan ng ating pamantasan. Exams, quizzes, requirements at kung ano-anong mga bagay na kailangang paghandaan sa araw-araw na umuubos sa ating oras. Pero bakit mo pipiliin ang strike?
Dahil kung gaano kaliit ang oras na meron tayo para magawa lahat ng kailangang gawing requirements, ganun na lang din ang oras na meron tayo para biguin ang nakaamba na namang kaltas sa ating badyet. Tayo, ang problema natin ay exams at quizzes. Pero milyon-milyong kabataan ang problema ay kung paano makakapasok ng kolehiyo at mga pamantasan. Shouldn't we give them a chance?
Kapag na-miss natin ang exam o ang klase, may ilan pang pagkakataon kung hindi man marami, na maari natin itong makuha muli. I-set ang make-up exam o kaya naman ang make-up class, paglaanan lang ng panahon. Pero yung milyon-milyong kabataang itinulak ng kahirapan at mataas na matrikula sa mga paaralan kaya hindi nakakapag-aral ay nakasalalay sa ilang araw nating strike para masubukan din nila ang exams o kaya naman ang klase. At yung mahirap dun, wala ng maise-set na make-up strike kung hindi natin ito tutugunan.
Pero baka mahalaga talaga ang araw na iyon para sa iyong kinabukasan. Ang mismong araw na yun ang magdidikta kung makakatapos ka ba ng kolehiyo o kaya naman kung ikaw ay may laude. Kapag hindi ka nakapag-exam, hindi ka na magiging doktor o kaya naman abogado kagaya ng pangarap mo.
Ilang milyong kabataan ang may mga pangarap din na katulad mo pero isinantabi na nila dahil wala silang kakayahang abutin ito? Kahit saan ka siguro magpunta sa Pilipinas, may maririnig kang, 'Gusto ko sana maging doktor kaso...' o kaya naman ay 'Gusto ko sana maging abogado kaso...' Kaso, madaming balakid. At pinakamalaking balakid ay ang kawalan ng badyet sa edukasyon. Sa araw na sumama ka sa strike at makabawas man ito ng konting panahon sa iyong stepping stones to your success, pagkatapos ng strike, pwede mo na ulit buuin ang iyong mga pangarap at planuhin ang iyong matagumpay na buhay. Pero sila, hindi. Nakasalalay ang mga pangarap nila sa kung may lalaban ba sa kasalukuyang panlipunang kaayusan na inaagawan sila ng pangarap at kinabukasan.
Kung sa totoo lang, gusto nating mag-aral ng mapayapa. Sino bang gusto ng walkouts at strikes? Pero panandalian nating ipagpapaliban ang ating pag-aaral kasi may hindi nakakapag-aral at balak pa ng gobyernong ito na mabawasan ang mga nakakapag-aral. Itinutulak tayo ng katwiran na lumabas ng ating mga silid-aralan upang ipaglaban ang makatwiran, makatarungan at maka-taong badyet sa edukasyon.
(3) Mainit kaya dun! At magulo sabi ng magulang ko at sa nakita ko sa TV!
Ilang beses na ba akong sumama sa pagkilos? Ang hirap na kasing ipikit ng mga mata at magbulag-bulagan kapag alam mong mali ang nangyayari sa iyong palagid. Ilang beses na ba akong bumilad sa araw dahil sa tingin ko wastong ipamahagi ang lupa sa magsasaka at bigyan ng dagdag sahod ang mga manggagawa?
Alam nyo, di ko na mabilang. Pero ilang beses na ba akong nagreklamo na mainit sa lansangan at ayokong nabibilad sa araw? Hindi ninyo alam pero hindi ko na din mabilang. Pwede namang magdala ng payong, sa tingin ko hindi ipinagbabawal. Pwede ring huwag mag-jacket at magsuot muna ng light clothes, mainit talaga o kaya naman mabigat ang basang damit kapag naulanan.
Minsan lang tayo mainitan. Mapa-classroom o mapa-malling time natin, aircon naman. Pero kapag nakita mo yung madaming kabataang hindi nakakapag-aral at sa halip ay nagpepedicab, namamalimos o kaya naman ay kargador sa kasagsagan ng init ng araw, ipapasalamat mo na na isang araw ka lang mabibilad sa mainit na araw.
At hindi naman magulo. Paborito lang talagang kuhanan ng media ang mga eksenang ganun para matuwa ang mga manonood. Para mapansin ng manonood, kailangan talagang over-sensationalized at under-analyzed ang mga coverage sa mga ganitong pagkilos.
Mapayapa at kadalasan pa nga ay masaya ang mga pagkilos. May iba't-ibang kulturang pagtatanghal kagaya ng sayaw, kanta o kaya naman pagtula at madami ding magsasalita ukol sa iba't-ibang isyung panlipunan sa bansa.
Hindi naman talaga magulo. Ang magulo lang talaga ay ang gobyerno ni Aquino. At kaya tayo may strike ay para isaayos ito.
(4) Mga iba pang dahilan na sa tingin mo ay mas mahalaga kaysa sa karapatan sa edukasyon at kalusugan ng milyong-milyong Pilipino. O kaya naman mga bagay na kailangan mong gawin mismo sa mga araw na iyon na sa tingin mo ay mas kailangan kaysa sa pagbawi sa kaltas sa badyet ng mga pamantasan at mga paggamutan.
Eh para saan pa na iskolar ng bayan ka? Ang sabi sa atin sa classroom, kapag may mali, dapat itama. Malinaw sa atin na mali ang pagkaltas sa badyet kaya dapat nating itama. Kapag walang tututol, aakalain nilang okay na tayo sa kaayusang mataas ang badyet ng pork barrel at military pero wala para sa mga guro, libro at iba pang pasilidad na kailangan natin. Silence means yes! Kaya naman kailangan nating basagin ang ating mga katahimikan.
Kung hindi binasag ng mga dakilang bayaning kagaya nina Rizal at Bonifacio ang kanilang mga katahimikan, malamang sa malamang ay walang UP at ang simbahan padin ang pinakamalaking pamantasan, indio pa din ang tawag sa iyo at alila padin tayo ng hari ng Espanya.
Utang natin ang ating kalayaan at karapatan mula sa mga Pilipinong hindi nag dalawang-isip na basagin ang kanilang mga katahimikan noon.
Walang pondo para sa gustong mag-aral o sa gustong magpag-gamot. Pero may pondo para sa gustong magnakaw sa bayan, lumabag sa karapatang pantao at pagpapayaman sa mga dayuhan. May gobyerno pero wala tayong pakinabang dito. Sa darating na strike, itatama natin ang mga kamaliang ito at magiging utang sa atin ng susunod na henerasyon ang libre, de-kalidad at makabayang edukasyon.
Popularity: 5% [?]
Firetrucks, Batuta at Bato: Argumentum Ad Baculum*
Firetruck, batuta, bato---pandarahas ang iniharap ng Kongreso ng mapayapang ini-rehistro ng nagkakaisang hanay ng mga kabataan, health workers, guro, kababaihan, migrante, maralitang taga-lungsod at iba pang mamamayan ang pagkondena at pagtutol sa maka-dayuhan at anti-mamamayan na pambansang badyet para sa 2012.
Bitin na Badyet Para sa Edukasyon at Kalusugan
Kagaya ng sa nakaraang taon at sa panunungkulan ng mga nakalipas na pangulo, kakaltasan ang badyet ng edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong sosyal sa panukalang pambasang badyet ni Aquino para sa taong 2012.
Kinaharap man ng mga State Universities and Colleges ang makasaysayang pagkaltas noong nakaraang taon, kakaharap pa rin ito sa pagkaltas sa badyet ngayong taon. Kulang man sa classrooms, textbooks, teachers at CRs, walang signipikaEnteng pagtaas sa badyet sa edukasyon para sa susunod na taon. Sa halip ay kaltas pa nga ang aabutin. Titindi lang ang krisis sa edukasyon dahil sa papalala pang pagtaas ng tuition fee at iba pang bayarin sa mga pamantasan, pagtaas ng drop-out rate sa high school at pagdami ng mga hindi nakakatapos ng kolehiyo.
Kung bitin ang kabataan, bitin din ang mamamayan sa badyet na ilalaan ni Aquino para sa serbisyong pang-kalusugan. Humigit kumulang P44B lamang ang ilalaan sa pangkabuuan para sa pangangailangang medikal ng lahat ng Pilipino. Malayong-malayo ito sa P440B na rekomendasyon ng WHO bilang minimum na alokasyon na badyet para sa kalusugan. Kahit pa sa P90B na hiling ng mga health workers na badyet, hindi parin ito umobra. Halos limampung ospital ang makakadanas ng napakalaking pagkaltas sa badyet. Pero hindi na bago sa atin ang pagkaltas na ito. Sasalubong sa atin sa susunod na taon ang papalalang dami ng bilang ng mga pasyente na hindi nakakakita ng doktor o nars sa kanilang buong buhay o yung mga kahit kailanman ay hindi nakapasok ng mga ospital o kahit health center man lamang. Kulang na kulang na nga sa mga pasilidad, bitin na bitin na nga sa sahod ang mga kawani, kaltas pa sa badyet ang aabutin.
Malinaw ang dahilan kung bakit nagprotesta sa Kongreso. May kaltas na naman sa badyet para sa serbisyo at hindi na naman prayoridad ng gobyerno ang edukasyon at kalusugan ng mga Pilipino. Malinaw na kaya nagtungo ang mamamayan sa Batasan ay dahil si Aquino at ang kanyang pamahalaan ay muling ibinabasura ang mga karapatan ng mga mamamayan.
Sobra na Badyet Para sa Pork Barrel at Militar
At talaga namang kagaya ng dati ang pambansang badyet para sa taong 2012, business as usual at walang pagbabago.
Habang bitin ang mamamayan para sa badyet sa mga serbisyong kinakailangan, umaapaw ang pondo para sa mga ahensyang wala namang pakinabang ang mga mamamayan. Kagaya sa nakaraang taon, tumaas na naman ang badyet para sa militar at depensa na kung hindi naman pangunahing lumalabag sa karapatang pantao ay palagiang nasasangkot sa korapsyon at iba pang anomalya. Hindi pa nakuntento noong nakaraang taon, itinaas pang muli ang pork barrel ng mga kongresista't senador na siyang nagiging batis para sa korapsyon. Ganun din sa intelligence fund ng pangulo at badyet para sa pambayad sa utang sa mga dayuhang bangko at gobyerno na halos kakain sa napakalaking bahagi ng pambansang badyet.
WengWang na Prayoridad ni Aquino
Sa badyet pa lang, malinaw na kung ano ang prayoridad ng pamahalaang Aquino. Walang matuwid na daan, walang tuwid na paggastos at walang tuwid na pamamahala. Nadagdagan na naman ang badyet para sa mga bulsa ng tao sa pamahalaan pero higit pang nabawasan ang badyet para sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Lehitimo ang mga panawagan. Malinaw ang rason ng protesta. Mapayapa ang pagtungo sa Kongreso. Sana humarap ang mga dapat sana'y kinatawan ng mamamayan sa Kongreso. Tama lamang na harapin ng mga kinatawan ng mamamayan ang mga mamamayang may lehitimong panawagan at iginigiit ang kanilang mga karapatan. Dapat ay bukas ang kanilang mga tanggapan kung may mga hinaing at panawagan ang kanilang mga kinakatawan.
Pasismo ng Estado
Pero imbes na mga kinatawan ang humarap, ang iniharap sa atin ay mga firetrucks. Sa halip na usapan at pakikinig sa mga panawagan, hinarangan tayo ng mga kapulisan. Ang inaasahan natin ay batuhan ng argumento laban sa argumento pero ang ibinigay sa atin ay mga bato mula sa mga basag na paso. Hinarap ng mamamayan ang mga kinatawan upang magpayahag ng pagtutol. Ang iniharap sa atin ay dahas at pasismo habang pipi, bulag at bingi sa ating mga panawagan.
Hindi nakakapagtaka na may mga kabataang sumasapi sa hukbo ng bayan at pinipiling lumaban sa pamahalaan ng patas sa dahas sa dahas.
Kapag ipinanawagan mo ang mas mataas na badyet sa edukasyon, ang isasagot sa iyo ay tubig mula sa firetrucks. Sobra na lang sigurong makapagtaka ang mga mamamayang paulit-ulit na nasusunugan dahil sa kawalan ng mga firetrucks. Buti pala dito sa Kongreso, marami sila hindi lang para sa apoy kung hindi para sa tao.
Kapag iginiit na dapat dagdagan ang badyet ng mga ospital at pagamutan, papaluin ka ng paulit-ulit ng mga batuta ng mga ka-pulisan. Mapa-bata o matanda, hindi ka mapag-iiba sa mata ng mga pulis. Buti pa sa atin, matatapang ang mga pulis, sana ganun din noong Manila Hostage Crisis.
Kapag ginusto mo ng badyet para sa pahabay at iba pang batayang serbisyo, babatuhin ka lamang ng gobyerno. Mabuti pa ang mga kongresista at iba pang opisyales ng gobyerno, inuulan ng pera. Samantalang ang kanyang mga mamamayan ay inuulan ng bato.
Dahas ang isinagot ng estado ni Aquino. Walang maisagot sa ating mga katanungan, walang maihain sa ating mga panawagan. Para sa mga hindi tumututol, ang isasagot ay pananakot at pandadahas. Gusto ng pamahalaang tumahimik tayo.
Wala na. Kitang-kita na talo na talaga sa usaping ito ang gobyerno. Wala ng humaharap sa kanila at dahas na ang sumasalubong sa ating mga protesta. Hindi na nila alam ang isasagot nila at nababagabag na sila sa galit ng mamamayan. Talo na dahil nailantad na na walang maipakitang makatwirang rason ang pamahalaan sa pagkaltas sa badyet sa social services. Talo na dahil kinailangan nya ng mandahas upang sya ay paniwalaan.
Sa pamamagitan ng firetruck, bato at batuta, ipipilit sa atin ng pamahalaan na sila ay paniwalaan. Pero sa pamamagitan ng ating masusing pag-aaral, pagmumulat sa iba at nagkakaisang protesta, malabong magtagumpay ang pamahalaan.
Sa mga ganitong laban, mas malakas na armas ang paninindigan kaysa sa kung ano pa man. At sa usapin ng paninindigan, hindi bitin dito ang mamamayan. ###
*Argumentum Ad Baculum- Argument from stick (Latin); Fallacious argument
------------------------------------------------------
Komprehensibong pagsusuri ng Anakbayan sa panukalang pambansang badyet ni Aquino para sa taong 2012. Basahin, suriin at ipaalam sa iba.
Natipon na mga larawan, pahayag at iba pang bahagi ng protesta laban sa budget cut sa Batasan mula sa Arkibong Bayan.
Selective, over-sensationalized and misreported coverage ng protesta sa Batasan ng GMA Channel 7.
Popularity: 4% [?]
Deconstructing Iskolar Para sa Bayan
Simula pa man noon, malinaw na sa atin na mapanghati at mapanlinlang ang politika ng mga Iskolar Para sa Bayan, kung mayroon man. Kasaysayan ang nagbigay sa atin ng ganyang aral at ang nagpatunay nyan.
Kamakailan lamang, muling napatunayan ang mapanlinlang at mapanghating politika ng mga grupong Iskolar Para sa Bayan pagdating sa usaping repormang agraryo. Habang sila ay nananawagan na manatili na lamang sa bogus na CARPER ang repormang agraryo, dugo at pawis ang inilalaan ng mga magsasakang kaisa natin na nagpapawanangan na ibasura ito.
Iskolar Para sa Bayan?
Ang mga eksenang ganito, pagtutunggali ng mga ideolohiya sa loob ng pamantasan, ay hindi na bago sa mga Iskolar ng Bayan. Sa bawat tweet, Facebook post o textpass na natatanggap natin na tumutuon sa pagiging Iskolar Para sa Bayan, sumisingaw na ang tunggalian sa ideolohiya. Habang malinaw sa atin na tayo ay mga Iskolar ng Bayan, mga kabataang mag-aaral na kaisa at pinag-aaral ng mamamayan at naglilingkod sa sambayanan, pinipilit itong baguhin ng mapanghati at mapanlinlang na grupo sa pamamagitan ng pagpapatampok sa katawagang Iskolar Para sa Bayan. Hindi katulad ng sa nauna, pinapatampok nito ang espesyal na katangian natin bilang mga iskolar na hiwalay sa mamamayan at animo'y nasa isang napakataas na tore na bababa upang iligtas ang sambayanan mula sa kahirapan. Sa Iskolar Para sa Bayan din, namamayani ang kaisipang hindi responsibilidad ng estado na bigyan ng subsidiyo ang mga pampublikong pamantasan, dahil wala na ang 'ng.' Mula sa UP na Iskolar ng Bayan, pilit tayong inilalapit sa Ateneo na 'Men for Others.' Dahil nagkakaisa ang mga mag-aaral sa katawagang Iskolar ng Bayan, mapanghati at mapanlinlang nitong ibinibenta ang Iskolar Para sa Bayan.
CARPER vs GARB
Balik tayo sa usapang repormang agraryo. Pinanawagan ng mga grupong Iskolar Para sa Bayan ang pagpapatatag at pagpapatuloy ng bogus na programang agraryo na CARPER o Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform. Sabi nila, sa programang ito daw maipapamahagi ang Hacienda Luisita na matagal ng pinaglalaban ng mga magsasaka. Literal na dugo at pawis ang pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Haciendang ito. Sagot nila, dapat daw i-implementa ang CARPER sa Hacienda upang tuluyan ng makamit ng mga magsasaka ang hustisya. Maganda, makatarungan at progresibo sa unang tingin. Ngunit gaya ng kanilang klase ng politika sa pamantasan o sa pambansa man, mapanlinlang ito at mapanghating panawagan.
Kaya nga agad na tinuligsa ng mga Iskolar ng Bayan ang panawagan nilang ito na kontra-magsasaka at kontra-mamamayan. Malinaw sa mga Iskolar ng Bayan, mga kabataang mismong lumulubog sa hanay ng batayang masa kagaya ng mga manggagawa at magsasaka, na hindi sagot ang CARPER sa problema sa lupa ng mga magsasaka. Bilang isang batas na ipinanukala ng mambabatas sa Kongreso, na ang kalakhan ng mga miyembro ay mga Panginoong May Lupa (PML) o mga Haciendero, marami itong butas na siyang magpapanatili ng pagmamay-ari ng mga lupa sa iilan at walang lupa ang mga magsasaka. May land conversion, karapatang nagtatangi lamang sa PML na kilalanin ang tatanggap ng lupa o kaya naman stocks distribution. Meron ring bayad at iba-iba pang pasikot-sikot na magpapahaba pa sa proseso ng pamamahagi. Kaya naman mismo ang mga magsasaka ang tumutuligsa sa CARPER bilang isang programang agraryo. Malinaw na isa itong programa na kung hindi nan magpapatatag pa ay magpapanatili sa mga PML ang pagmamay-ari sa lupa.
Kitang-kita ang inconsistency sa politika ng mga Iskolar Para sa Bayan na ito. Papanawagan ang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita pero susuportahan ang bogus na programang agraryo na CARPER. Magpapatunog progresibo at makabayan pero tagapamandila naman pala ng interes ng mga PML, tao sa estado at imperyalistang Estados Unidos. Imbes na palakasin ang pagkakaisa na ipanawagan ang pagpasa sa GARB o Genuine Agrarian Reform Bill na syang tunay na magbabahagi ng mga lupa sa mga magsasaka, mapanghati itong nagpanawagan ng CARPER. Bulok talagang maituturing ang politika ng mga grupong ito.
Consistently Inconsistent
Sa isang banda, consistent naman sila. Napapanatili nila ang kanilang consistency na maging inconsistent sa kanilang mga panawagan at tindig sa iba't-ibang isyu ng kabataan at mamamayan. Uso talaga sa grupong ito ang mapanlinlang at mapanghating politika. Matatandaan na huli na nga ng tuligsain nila ang pagkaltas sa badyet ng mga SUCs ng pamahalaan (literal na huli, ilang linggo nalang at maipapasa na ang badyet), patuloy padin sila sa pakikipag alyansa at bigkis (Lalalala..) sa AKBAYAN Partylist na siya namang bumoto pabor sa badyet na may kaltas sa pondo ng mga SUCs noong nakaraang taon. Sisigaw na hindi sila pabor sa pagkaltas sa badyet pero patuloy ang pagsuporta sa mga grupong pabor dito. Nakakasawa na ang politikang bulok---mangangako ng isang bagay pero susuporta sa isa. Wala na ngang prinsipyo, wala pang isang salita.
Kung walang pagbabago sa ilalim ni Aquino, wala ring pagbabago sa mga grupo ng mga Iskolar Para sa Bayan! Sa unang araw pa lamang ng pagkakatatag ng mga grupong ito, mapanghati at mapanlinlang na politika na ang kanilang tinuntungan. Pero natural lamang na walang nangyayaring pagbabago sa mga grupong ito, mahigpit nilang ka-alyado ang pamahalaang Aquino ngayon at tagapamandila sila ng interes ng mga uring gustong magpanatili ng nananaig na panlipunang kaayusan. Hindi naman nila gustong magbago at hindi rin sila interesado sa pagbabago.
Sabi nga nila, 'Mag-ingat mga Iskolar Para sa Bayan!' Pero ang aking payo, MAG-INGAT SA MGA ISKOLAR PARA SA BAYAN! Baka ka nila malinlang. ###
--------------------------
(1) Itinatago o hindi nababanggit sa midya ang pampolitika at pangekonomiyang konteksto ng sunod-sunod na malalaking riots sa mga lungsod sa London, UK. Pinapalabas lamang na gawaing kriminal lamang ang mga ito. Basahin ang malalim na pagsuri ni Propesor Jose Maria Sison, Chairperson ng International League of People's Struggle ukol sa isyu.
(2) Malakihang pagkaltas sa badyet sa edukasyon, kalusugan at serbisyong panlipunan na naman ang laman ng proposed budget ng administrasyong Aquino para sa susunod na taon. Nagbabanta na naman ng malawakang pambansang strike ang mga pamantasan at grupo ng mga kabataan. Basahin ang pagtuligsa ng Anakbayan hinggil dito.
(3) Naipasa na sa mababang kapulungan ang Anti-No Permit, No-Exam Bill ng Kabataan Partylist. Tagumpay ng sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan at kabataan!
(4) Nagustuhan ko ang sagot ng isang kolumnista sa Inquirer hinggil sa tinutuligsang eksibit ni Mideo Cruz. Sinagot niya ang iba't-ibang komento ng mga tumutuligsa sa eksibit.
Popularity: 4% [?]
2011 Search for the Next UP Manila Chancellor
Greetings!
I was appointed by President Alfredo Pascual to serve as the student representative in the Search Committee for the Next UP Manila Chancellor. As the only student member of the Search Committee, it is my duty and responsibility to genuinely represent the concerns/issues/demands/interests of the students in the Search Committee. In line with this, I would like to encourage the maximum participation of all the members of student councils, student organizations, other student formations and all UP Manila students by actively participating in the search process.
First, I will be given the chance to interview and cross-examine all the nominees for Chancellorship regarding their mission/vision, plans, credentials, stand on student issues, etc. This will give us a guarantee that a pro-student Chancellor will be appointed. Because of this, I would like to solicit student concerns/issues/demands that you would like me to raise in my interview with the nominees. Please leave a comment here, send me a private message, email me at clevearguelles@asapkatipunan.com or text me at 09062458023 on or before August 17, 2011.
Second, the Search Committee will also be holding a Multi-Sectoral Forum with the Nominees. This will be held at the College of Nursing Auditorium, August 24, Wednesday, 9am-12nn. Attendees will be given the chance to ask questions and get to know the plans of the nominees for the UPM community. You are highly encouraged to attend as this will be the only venue to personally get information/answers from the nominees. Also, President Pascual will be attending the forum.
Lastly, I encourage everyone to actively participate in the search process. Let's maximize venues for student participation and representation. Let the nominees hear the voice of the students. Let us all ensure that the plans of the next Chancellor for the next three years will truly benefit the UPM community.
Uphold pro-student and pro-people Chancellorship!###
Please click the following links to know the nominees:
Agulto, Manuel Bautista
Roxas, Alberto Barrios
Summary of Qualifications and Achievements
Simbulan, Roland
Summary of Qualifications and Achievements
In Service with the Students and the Filipino People,
CLEVE KEVIN ROBERT V. ARGUELLES
Vice-Chairperson, University Student Council
Convener, League of College Student Councils
Head, Committee on Organizations, Fraternities and Sororities
Member, Search Committee for the Next UPM Chancellor
Bachelor of Arts in Political Science 2012
University of the Philippines Manila
+639062458023
clevearguelles@asapkatipunan.com
Popularity: 5% [?]
Politics Behind Honor and Excellence
Traditional Politicians
Ang UP School of Economics Student Council, Si Prof. Winnie Monsod, ang UP College of Business Administration Student Coucnil, ang UP Diliman ALYANSA at syempre, ang AKBAYAN Youth UP Diliman. Sino ba sila?
Mainit na sinalubong ng bawat isa sa atin ang isyu sa pagkaltas sa badyet ng UP, ng ibang SUCs, at ng iba pang serbisyong panlipunan. Nagalit. Nainis. At nagpahayag ng pagtutol at labis na pagkadismaya sa mga plano ng bagong pangulong si Aquino III. Nag walkout, nag strike, nag march, pumunta sa Kongreso at Senado at todo-todong inilaban na dapat bigyan ng mas mataas na pondo ang mga pampublikong pamantasan. Ito ang isyung bumabagabag sa ating mga Iskolar Ng Bayan.
Pero hindi sa kanila. Sila lamang ang mga taong hindi mo naman narinig na sumuporta sa laban natin sa budget cut o kaya naman ay huli na (mismong araw na ng strike). Sila lang naman ang mga naging pabor at nagpahayag na napapanahon na ang pagtaas ng tuition fee nung 2006 sa UP. O kaya naman ay parang wala sila UP, walang sinasabi, pipi at walang imik. At ngayon, may pinipilit silang binubuhay na isyu. Pilit na pilit. Ito siguro ang depinisyon niyo ng karangalan at kahusayan. Buti na lang, inyo lang yan.
Natatandaan niyo ba ng tawagin tayong "noisy few" dati noong tumututol tayong mga Iskolar Ng Bayan sa 300 percent na pagtaas ng tution fee? Ibabalik ko lang sa kanila. This time, it's for real. Noisy few kayo!
Dagdagan pa natin, ang AKBAYAN, which is represented by the AKBAYAN Youth in UP Diliman voted in the Congress in favor of the enactment of the 2011 Proposed Budget. Bumoto sila na mabawasan ang budget ng UP at ng SUCs. Honor? Excellence?
Dapat sa UP bawal ang traditional politicians.
'Making a mountain out of a molehill’
Bakit ba kasi pilit na ginagawang isyu ang hindi naman isyu? Kapag may isyu, wala kayong sinasabi. Ito kayo ngayon, gumagawa ng sariling isyu. Pinananawagan niyo na bumaba sa pwesto si Rain Sindayen bilang USC Chair ng UP Diliman. Sinabi niyo na hindi na si Ces Santos ang USC Chair ng UP Manila. Kailan ba kayo magtatanda? Ano pa ba ang gusto niyong malaman?
Rain Sindayen is now officially enrolled in a degree program in UP Diliman. Dahil nga napakaloob na siya sa loob ng USC, Constitution ng USC ang dapat na gumabay sa estado niya. He is still the UPD USC Chair. Ipinipilit niyong dapat siyang mapailalim sa Student Electoral Code. Hind nga pwede. Hindi naman kasi eleksyon, napapaloob na siya sa batas ng USC. Intindihin niyo naman. Excellence nga di'ba? Palibhasa, eleksyon palagi ang nasa isip eh.
Our USC Chair here in UP Manila is still Ces Santos. Her Chairpersonship was reaffirmed by the USC General Assembly which serves as the highest policy- and decision-making body of the USC. Her case is still on appeal. And we, the students, stand by her that there is an irregularity in her case.
Sabi nga ni UP College of Law Dean Raul Pangalanan, these people are just 'making a mountain out of a molehill.'
All for elections
Pero bakit ba kasi may "Honor and Excellence" statements kayo?
Kasi naman, natatakot na kayo. Hindi kayo narinig ng mga estudyante tungkol sa isyu ng budget cut. O hindi lang talaga kayo naririnig ng mga estudyante sa kahit ano pang isyu. Sabi nga nila, character assassination. Pwede rin namang, shoot others down. At inadopt niyo naman bilang strategy.
Tiwala na ang mga estudyante sa mga aktibistang lider estudyante dahil sa kanilang dedikasyon at husay na paglingkuran ang mga Iskolar Ng Bayan at sambayanan. Mula unang araw noong Agosto na nalaman natin na may pagkaltas sa badyet, wala na silang pagod na humarap sa hamon na ipaglaban ang UP bilang isang pamantasang bayan at ipaglaban ang karapatin natin sa edukasyon. Nakita at nasaksihan ng mga estudyante kung sino ang kumikilos ng buong taon, yung hindi lamang Pebrero at papalapit na sa eleksyon.
Walang honor at excellence sa strategy niyo. Gagawin niyo talaga all for elections o pwede rin namang re-election.
Honor and Excellence, Where Art Thou?
Sa panahong kailangan namin kayo, iniwan niyo kami. Sa panahong nanganganib tayong mga estudyante, anong pinagkakaabalahan niyo? Ito ang tanong at isyu na dapat sagutin niyo? Honor? Nasaan ang karangalan? Karangalan bang hindi gampanan ang tungkulin? Excellence? Mahusay bang maituturing na kaligtaan ang sinumpaang tungkulin? Nasaan ang karangalan at kahusayan?
Ano ba ang sukatan ng karangalan?
Hindi ba maaring maging sukatan ang paglilingkod ng buong puso sa bayan? Ang pag-alay ng talento, talino at iba pang kakayahan sa ikalalaya ng sambayanan? Para kanino ba ang inyong karangalan? Para sa sarili? Para sa iilang tao lamang? O para sa mamamayan?
Nasusukat nga ba kung sino ang mas marangal?
Maari. At hindi kayo yun.
Ano ba ang sukatan ng kahusayan?
Ang mataas na grado? Ang madaming uno? Sa kantang UP Ang Galing Mo, nabanggit ba dun kung bakit daw tayo magaling? Kung bakit daw tayo mahusay? Nasabi ba dahil mataas ang ating grado? O dahil madami tayong uno? Mahahanap mo rin yan sa ibang pamantasan.
Pero ang kahusayan natin ay mananatiling dahil tayo ang isang pamantasang naglilingkod sa interes ng samabayanan.
Huwag niyong ipagmalaki ang bagay na wala naman kayo. Kung may pagkakataon man na magiging pamantayan natin ang karangalan at kahusayan bilang sukatan sa mga nais maglingkod sa loob ng USC at iba pang SCs, sinasabi ko sa inyo, mananatiling mga aktibistang lider-estudyante ang makakagampan dito.
Honor and Excellence, where art thou?
Para kanino?
Pinagbabangga ang aktibismo at ang kahusayan. Pinagbabangga ang aktibismo at ang karangalan. Bakit ba target ng dilawan at asulan ang pulang aktibismo?
Mainam naman talagang mabalanse ang pang akademikong pag-aaral at ang pakikibaka para sa pagbabago ng isang aktibista. Mainam kung maituturing na sabay na gampanan ang dalawang bagay na ito. Pero hindi nila pwedeng ipagmalaki ito. Kasaysayan ang makakapagsabi na hindi nila nabalanse ang dalawang bagay na ito. Ang mga dilawan at asulan ay hanggang pangakademikong kahusayan lamang at mahusay lamang maglingkod kapag eleksyon na. Minsa nga, pareho pang wala sa inyo yan. Kaya't sa huli, pinakamainam pa ring sagutin ang tanong na para kanino?
Para kanino ba isang araw na pagliban sa klase para sumama sa pagkilos laban sa pamahalaang tinatapakan ang karapatan ng kabataan para sa edukasyon? Para kanino nga ba?
Para kanino naman ang siraan ang mga aktibistang nananawagan para tutulan ang budget cut? Para kanino nga ba ang ginagawa niyo?
Ang mataas na porma ng sakripisyo ng mga aktibista, ang kanilang nag-aalab na dedikasyon na baguhin ang sistema at ang kanilang walang pagod na pakikibaka, para kanino nga ba? Para sa bayan, para sa kinabukasan.
Para mapalaya ang inaaping sambayanan.
------
Maari ring basahin ang mga ito:
Isinulat ni UP Faculty Regent Judy Taguiwalo- Academic Excellence and the Costs of Universal Public Education.
Isang malalim at matalas na pagtalakay sa isyu ng isang UP Sociology Professor na si Gerry Lanuza- Demythologizing the Fetish of Academic Excellence.
Isinulat naman ni Mykel Andrada para sa Pinoy Weekly- Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante.
Pagtulisa sa kawalan ng prinispyo ng Akbayan at Alyansa mula kay Anton Dulce ng Anakbayan National Office- Look Ma, no principles!
Popularity: 6% [?]















