CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

16Aug/110

On Censorship

No Gravatar

Nakaabot na hanggang pagdinig sa Senado ang isyu hinggil sa binabatikos na sining eksibit ni Mideo Cruz na 'Poleteismo' na naisama sa serye ng mga sining eksibit na 'Kulo' ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o ng CCP. Magmula sa mga taong simbahan hanggang kay Imelda Marcos, binatbat ng kritisismo ang sining eksibit ni Mideo Cruz. Labag daw ito sa mata ng diyos, nakakabastos, hindi sining at walang maka-taong layunin.

Kuha ni Mideo Criz kasama ang kanyang likhang sining

Poleteismo

Tampok sa eksibit na ito ang isang collage na tumatalakay sa iba't-ibang idolo ng mga tao magmula sa idolong pang-relihiyon hanggang sa idolong pang-komersyo. May mga mukha ni Kristo na nilagyan ng ari ng lalaki sa ulo, maryoon ding kinabitan ng tenga ni Mickey Mouse at  imahen niya na umiiyak ng itim na tinta. Makikita din sa collage ang mga mukha ng mga kilalang politiko, iba't-ibang klase ng anting-anting, kilalang bold star at marami pang ibang simbolong kinikilalang idolo ng kasalukuyang kaayusang panlipunan. Nandoon si FPJ, Marcos, at Gloria Arroyo. Nandun din ang mga kaaya-ayang mga bold stars, Noynoy ballers at larawan ng basketbolistang si Jaworski.

Dahil nga sa hindi pagtanggap ng mga taong makapangyarihan mula sa simbahan at pamahalaan, tangkang paninira sa eksibit at pagbabanta sa buhay ni Mideo Cruz, ang mga naging dahilan upang tuluyan ngang isinara ang eksibit para sa publiko. Na-censor ang likhang sining ni Mideo Cruz.

Basketbol at Pananampalataya
FPJ at mga anting-anting

Pagbatikos sa Awtoridad

Kung tutuusin, hindi naman usapin lang talaga ng relihiyon ang nais talakayin ng nasabing eksibit. Sinasalamin ng eksibit ang pananaw ni Mideo Cruz sa mga tinuturing ng nakararami bilang awtoridad o diyos sa kanilang buhay. Isa itong pagbatikos sa malabnaw at bulag na pagsamba ng nakararami sa mga bagay o tao na hindi naman dapat nabibigyan ng ganitong pagtatangi. Sa eksibit, gustong ipakita ni Mideo kung paanong si Hesukristo ay tinatangi ng marami bilang isa lamang sa mga pinagmumulan ng awtoridad kasama ng mga politiko, produktong ikinakalakal at mga iba pang kagamitang nagtataglay ng 'kapangyarihan.' May pagbatikos rin sa pyudal na katangian ng lipunan na bulag na sumasamba sa mga kalalakihan (ang ari sa ulo ni Kristo) o ang pagsasamantalang pagsamba sa mga seksing kababaihan.

Bilang isang sining eksibit, instrumento ito ni Mideo Cruz upang magpaabot ng kanyang pagsusuma sa lipunang ginagalawan niya at ang pagpuna sa namamayaning kaisipan sa kasalukuyan. Nais niyang isiwalat ang kabulukan ng kaisipang 'poleteismo' sa konteksto ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. At mula sa pageexpose ng ganitong kaayusan ay ang pagmumulat sa nakakarami na baguhin ang kinagisnang kaayusan.

Politika at Pananampalataya

Truth Censorship

At sa ganitong kadahilanan kung bakit na-censor ang likhang sining ni Mideo Cruz. Ito ay pagbangga sa naghaharing sistemang panlipunan at pagtalakay sa kabulukan nito. Sa naturang eksibit, bibangga nito ang simbahan, ang pamahalaan at ang pamilihan. Tuwiran nitong kinekwestyon ang awtoridad na ibinibigay dito ng nakararami. Pagbatikos ito sa bulag na pagsamba natin sa mga politikong mapang-api at sa mga komersyal na kompanyang mapanlinlang. Na-censor ang likhang sining ni Mideo Cruz dahil binangga nito ang mga makapangyarihang institusyon ng pangangalakal, simbahan at pamahalaan.

Kasaysayan ang makakapagsabi na hindi na bago ang usapin ng censorship. Karanasan narin natin sa kasaysayan ng mundo ang makakapagsabi na ginagamit ang censorship upang mapanatiling atrasado ang tipo ng lipunan. Kung paano  ang simbahan ay gumawa ng paaran upang i-censor ang mga pagsulong sa agham at teknolohiya noong panahon ng Dark Ages ay hindi kaiba kung paano ginagamit ng mga institusyong ito ang censorship upang pigilan ang pagunlad ng kaisipang pang ekonomiya, kultural, sosyal at politikal ng mamamayan sa kasalukuyan.

Ganito din ang makikita sa kasalukuyang censorship sa mga gawaing LGBT para mapigilan ang malayang pagtanggap dito ng mga mamamayan. Minsan pa nga ay pang-sariling censorship mismo ang ginagawa ng mga myembro ng LGBT upang hindi mabatikos ng iba. Laganap din ang censorship sa gawaing politikal ng mga progresibo upang mapigilan ang paglaya ng mamamayan, censorship sa mga paaralan, censorship sa bahay, at censorship kahit sa barkada. Tumatakbo ang kasalukuyang lipunan sa pagtatakip sa katotohanan.

Pagbisita at Pagbatikos ni Imelda

Censorship at Kamulatan

Sa makatuwid, hindi ang likhang sining ni Mideo Cruz ang biktima ng censorship. Biktima rito ang kamulatan ng nakakarami. Hindi dahil nakakabastos ito kaya ito na-censor kung hindi dahil pagbatikos ito sa mga taong nasa kapangyarihan.

Bakit hindi natin i-censor ang mga komersyal ng mga politiko tuwing eleksyon? Hindi ba't nakakabastos din ito dahil sa kanilang mga kasinungalingan at panloloko? Bakit hindi natin i-censor ang mga kampanyang laban sa RH ng simbahan? Nakaka-offend din ito sa ating karapatan. Bakit hindi natin i-censor ang SONA at iba pang pahayag ng Pangulo? Wala namang nilalamang katotohanan ito.

Alam nating hindi natin maaring gawin yun. Mahalaga kasing masagot ang tanong na sino ang dapat magdikta kung ano ang dapat i-censor at hindi? Malamang, ang may kapangyarihan. Diktadurya at monopolyo ng taong simbahan, pamahalaan at may-ari ng mga kompanya ang kapangyarihang mag-censor.

Sulong at Daluyong ng Mamamayan

Hindi mapipigilan ng kahit ano mang censorship, maging ano pa man ang daluyan, ang papabilis at papatinding pagkamulat ng mamamayan. Ito ang katotohanang hindi kayang i-censor ng mga taong simbahan, tao sa pamahalaan at mga kapitalistang nagpapatakbo sa pamilihan. ###

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
14Aug/110

Deconstructing Iskolar Para sa Bayan

No Gravatar

Simula pa man noon, malinaw na sa atin na mapanghati at mapanlinlang ang politika ng mga Iskolar Para sa Bayan, kung mayroon man. Kasaysayan ang nagbigay sa atin ng ganyang aral at ang nagpatunay nyan.

Kamakailan lamang, muling napatunayan ang mapanlinlang at mapanghating politika ng mga grupong Iskolar Para sa Bayan pagdating sa usaping repormang agraryo. Habang sila ay nananawagan na manatili na lamang sa bogus na CARPER ang repormang agraryo, dugo at pawis ang inilalaan ng mga magsasakang kaisa natin na nagpapawanangan na ibasura ito.

Iskolar Para sa Bayan?

Tunggalian sa ideolohiya ng 'Ng' at 'Para'

Ang mga eksenang ganito, pagtutunggali ng mga ideolohiya sa loob ng pamantasan, ay hindi na bago sa mga Iskolar ng Bayan. Sa bawat tweet, Facebook post o textpass na natatanggap natin na tumutuon sa pagiging Iskolar Para sa Bayan, sumisingaw na ang tunggalian sa ideolohiya. Habang malinaw sa atin na tayo ay mga Iskolar ng Bayan, mga kabataang mag-aaral na kaisa at pinag-aaral ng mamamayan at naglilingkod sa sambayanan, pinipilit itong baguhin ng mapanghati at mapanlinlang na grupo sa pamamagitan ng pagpapatampok sa katawagang Iskolar Para sa Bayan. Hindi katulad ng sa nauna, pinapatampok nito ang espesyal na katangian natin bilang mga iskolar na hiwalay sa mamamayan at animo'y nasa isang napakataas na tore na bababa upang iligtas ang sambayanan mula sa kahirapan.  Sa Iskolar Para sa Bayan din, namamayani ang kaisipang hindi responsibilidad ng estado na bigyan ng subsidiyo ang mga pampublikong pamantasan, dahil wala na ang 'ng.' Mula sa UP na Iskolar ng Bayan, pilit tayong inilalapit sa Ateneo na 'Men for Others.' Dahil nagkakaisa ang mga mag-aaral sa katawagang Iskolar ng Bayan, mapanghati at mapanlinlang nitong ibinibenta ang Iskolar Para sa Bayan.

CARPER vs GARB

Eksena sa Luisita Massacre

Balik tayo sa usapang repormang agraryo. Pinanawagan ng mga grupong Iskolar Para sa Bayan ang pagpapatatag at pagpapatuloy ng bogus na programang agraryo na CARPER o Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform. Sabi nila, sa programang ito daw maipapamahagi ang Hacienda Luisita na matagal ng pinaglalaban ng mga magsasaka. Literal na dugo at pawis ang pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Haciendang ito. Sagot nila, dapat daw i-implementa ang CARPER sa Hacienda upang tuluyan ng makamit ng mga magsasaka ang hustisya. Maganda, makatarungan at progresibo sa unang tingin. Ngunit gaya ng kanilang klase ng politika sa pamantasan o sa pambansa man, mapanlinlang ito at mapanghating panawagan.

Kaya nga agad na tinuligsa ng mga Iskolar ng Bayan ang panawagan nilang ito na kontra-magsasaka at kontra-mamamayan. Malinaw sa mga Iskolar ng Bayan, mga kabataang mismong lumulubog sa hanay ng batayang masa kagaya ng mga manggagawa at magsasaka, na hindi sagot ang CARPER sa problema sa lupa ng mga magsasaka. Bilang isang batas na ipinanukala ng mambabatas sa Kongreso, na ang kalakhan ng mga miyembro ay mga Panginoong May Lupa (PML) o mga Haciendero, marami itong butas na siyang magpapanatili ng pagmamay-ari ng mga lupa sa iilan at walang lupa ang mga magsasaka. May land conversion, karapatang nagtatangi lamang sa PML na kilalanin ang tatanggap ng lupa o kaya naman stocks distribution. Meron ring bayad at iba-iba pang pasikot-sikot na magpapahaba pa sa proseso ng pamamahagi. Kaya naman mismo ang mga magsasaka ang tumutuligsa sa CARPER bilang isang programang agraryo. Malinaw na isa itong programa na kung hindi nan magpapatatag pa ay magpapanatili sa mga PML ang pagmamay-ari sa lupa.

Kitang-kita ang inconsistency sa politika ng mga Iskolar Para sa Bayan na ito. Papanawagan ang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita pero susuportahan ang bogus na programang agraryo na CARPER. Magpapatunog progresibo at makabayan pero tagapamandila naman pala ng interes ng mga PML, tao sa estado at imperyalistang Estados Unidos. Imbes na palakasin ang pagkakaisa na ipanawagan ang pagpasa sa GARB o Genuine Agrarian Reform Bill na syang tunay na magbabahagi ng mga lupa sa mga magsasaka, mapanghati itong nagpanawagan ng CARPER. Bulok talagang maituturing ang politika ng mga grupong ito.

Consistently Inconsistent

Akbayan Partylist (Risa Hontiveros) at Liberal Party (Noynoy Aquino)

Sa isang banda, consistent naman sila. Napapanatili nila ang kanilang consistency na maging inconsistent sa kanilang mga panawagan at tindig sa iba't-ibang isyu ng kabataan at mamamayan. Uso talaga sa grupong ito ang mapanlinlang at mapanghating politika. Matatandaan na huli na nga ng tuligsain nila ang pagkaltas sa badyet ng mga SUCs ng pamahalaan (literal na huli, ilang linggo nalang at maipapasa na ang badyet), patuloy padin sila sa pakikipag alyansa at bigkis (Lalalala..) sa AKBAYAN Partylist na siya namang bumoto pabor sa badyet na may kaltas sa pondo ng mga SUCs noong nakaraang taon. Sisigaw na hindi sila pabor sa pagkaltas sa badyet pero patuloy ang pagsuporta sa mga grupong pabor dito. Nakakasawa na ang politikang bulok---mangangako ng isang bagay pero susuporta sa isa. Wala na ngang prinsipyo, wala pang isang salita.

Kung walang pagbabago sa ilalim ni Aquino, wala ring pagbabago sa mga grupo ng mga Iskolar Para sa Bayan! Sa unang araw pa lamang ng pagkakatatag ng mga grupong ito, mapanghati at mapanlinlang na politika na ang kanilang tinuntungan. Pero natural lamang na walang nangyayaring pagbabago sa mga grupong ito, mahigpit nilang ka-alyado ang pamahalaang Aquino ngayon at tagapamandila sila ng interes ng mga uring gustong magpanatili ng nananaig na panlipunang kaayusan. Hindi naman nila gustong magbago at hindi rin sila interesado sa pagbabago.

Sabi nga nila, 'Mag-ingat mga Iskolar Para sa Bayan!' Pero ang aking payo, MAG-INGAT SA MGA ISKOLAR PARA SA BAYAN! Baka ka nila malinlang. ###

--------------------------

Eksena sa Riot sa London

(1) Itinatago o hindi nababanggit sa midya ang pampolitika at pangekonomiyang konteksto ng sunod-sunod na malalaking riots sa mga lungsod sa London, UK. Pinapalabas lamang na gawaing kriminal lamang ang mga ito. Basahin ang malalim na pagsuri ni Propesor Jose Maria Sison, Chairperson ng International League of People's Struggle ukol sa isyu.

(2) Malakihang pagkaltas sa badyet sa edukasyon, kalusugan at serbisyong panlipunan na naman ang laman ng proposed budget ng administrasyong Aquino para sa susunod na taon. Nagbabanta na naman ng malawakang pambansang strike ang mga pamantasan at grupo ng mga kabataan. Basahin ang pagtuligsa ng Anakbayan hinggil dito.

(3) Naipasa na sa mababang kapulungan ang Anti-No Permit, No-Exam Bill ng Kabataan Partylist. Tagumpay ng sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan at kabataan!

(4) Nagustuhan ko ang sagot ng isang kolumnista sa Inquirer hinggil sa tinutuligsang eksibit ni Mideo Cruz. Sinagot niya ang iba't-ibang komento ng mga tumutuligsa sa eksibit.

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
14Aug/110

2011 Search for the Next UP Manila Chancellor

No Gravatar

Greetings!

I was appointed by President Alfredo Pascual to serve as the student representative in the Search Committee for the Next UP Manila Chancellor. As the only student member of the Search Committee, it is my duty and responsibility to genuinely represent the concerns/issues/demands/interests of the students in the Search Committee. In line with this, I would like to encourage the maximum participation of all the members of student councils, student organizations, other student formations and all UP Manila students by actively participating in the search process.

First, I will be given the chance to interview and cross-examine all the nominees for Chancellorship regarding their mission/vision, plans, credentials, stand on student issues, etc. This will give us a guarantee that a pro-student Chancellor will be appointed. Because of this, I would like to solicit student concerns/issues/demands that you would like me to raise in my interview with the nominees. Please leave a comment here, send me a private message, email me at clevearguelles@asapkatipunan.com or text me at 09062458023 on or before August 17, 2011.

Second, the Search Committee will also be holding a Multi-Sectoral Forum with the Nominees. This will be held at the College of Nursing Auditorium, August 24, Wednesday, 9am-12nn. Attendees will be given the chance to ask questions and get to know the plans of the nominees for the UPM community. You are highly encouraged to attend as this will be the only venue to personally get information/answers from the nominees. Also, President Pascual will be attending the forum.

Lastly, I encourage everyone to actively participate in the search process. Let's maximize venues for student participation and representation. Let the nominees hear the voice of the students. Let us all ensure that the plans of the next Chancellor for the next three years will truly benefit the UPM community.

 

Uphold pro-student and pro-people Chancellorship!###

 

Please click the following links to know the nominees:

Agulto, Manuel Bautista

Curriculum Vitae

Vision for UP Manila

 

Roxas, Alberto Barrios

Curriculum Vitae

Vision for UP Manila

Summary of Qualifications and Achievements

 

Simbulan, Roland

Curriculum Vitae

Vision for UP Manila

Summary of Qualifications and Achievements

 

In Service with the Students and the Filipino People,

 

CLEVE KEVIN ROBERT V. ARGUELLES                                                          

Vice-Chairperson, University Student Council

Convener, League of College Student Councils

Head, Committee on Organizations, Fraternities and Sororities

Member, Search Committee for the Next UPM Chancellor

 

Bachelor of Arts in Political Science 2012

University of the Philippines Manila

+639062458023

clevearguelles@asapkatipunan.com

 

Popularity: 5% [?]

  • Share/Bookmark
30Jul/110

Protected: Confronting Realities

No Gravatar

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Popularity: 1% [?]

  • Share/Bookmark
Filed under: Personal No Comments
31Dec/1013

Golden 2010!

No Gravatar

This year is so awesome words aren't even enough for me to describe it. The good friends, the awesome professors, the toxic but fulfilling job in the student council, the sturdy FBCP family, the ever-growing national democratic social movement and the latest addition before the year ends-- ikaw. As if this year is not yet perfect, the great force in this universe conspired for me to meet, know and love you. To all my great friends, masipag na mga councilmates, selfless comrades, and to you sir, I thank you all for being an awesome companion for this year.

2010 is my golden age, personally. Aside from the fact that this has been the most productive year, I feel so awesome this year. I just feel and look good. Legendary, epic, awesome, what have you-- that is my 2010.

As we enter a new year, I do not promise any changes but rather a continuing commitment to my personal struggle and to the national democratic struggle. I will not leave the memories this year. I will not leave the mistakes and pains to Mr. 2010. I proudly bring them with me to welcome 2011. I have learned from my experiences this year and I will continue to learn this coming year. Sometimes we win but sometimes we lose - and learn.

And as I grow older, still the youngest in my batch, I welcome all the challenges waiting for me. To all my dear companions, join me as I face these challenges. And to all my detractors (naks, may detractors), tantanan niyo na ako! Grow up!

I fully welcome 2011 and my oh-so-awesome 18th Birthday. I'm not gonna wait for it, 'cause I'm gonna make this year legendary. My 18 great years of existence here will continue to be more awesome!

This will be our year. :)

Cheers to 2010!
Cheers to 2011!
Cheers to my 18 years in this universe! :)

-----

January, The Barkada

January (with Ashley), I Look So Young Here

February, The Barkada I Love

February, SC Election Campaign

February, CAS Miting De Avance

March, The SC Oath-Taking

April (With Ashley and Nikki), Chillax!

April (FBCP Training), Seats for the Gods

May, CASSC Planning Days

May, National Elections

May, FBCP Turn-Over Party

June, UPM Welcome Assembly Lightning Rally

June, CAS Freshie Teambuilding

July, Education Crisis Walkout

July, Kulitan Memories

July, FBCP's HANDOG

August, Banahaw Trip

August, Banahaw Trip Turned Barkada Trip

Septemeber (with Satur Ocampo), Asia Pacific Lawyers Conference

September (Budget Cut Walkout), Plaza Miranda Educational Discussions

October, Orgs Leadership Training Seminar

November, Our Strike Against Budget Cut

November, The Party Crashers

November, Our Historic Strike

December, Our March to Senate

December, A Year Full of Kakulitan

December (Hanban's), I Shaved For The FIRST TIME!

December, Greetings From the CASSC

What A Year! Fulfilling 2010! :)

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
Filed under: Personal 13 Comments
30Dec/103

Inquirer’s Costly, Senseless War

No Gravatar

Contrary to what the people in Inquirer are saying, the Filipino people’s Maoist revolution is not a senseless war. Yes, I may agree that this is a costly war but it’s not, by any means, senseless.

While I have to recognize that some of the points in the opinion article are, well, true (and for that matter, is not an opinion for opinion’s sake), some of the points are, if not unsubstantiated, not well-researched.

Yes, it is true that for the past 42 years of the people’s revolution, the government has been unable to crush it. It is interesting to note that the revolution is a qualified candidate for belligerency, the government, for the past 42 years, is calling it as an armed insurgency. Despite the government’s army’s annual pronouncements and targets that it will crush the revolutionary army by the end of the year, the revolution is still on going, if not growing in members. In fact, in its statement for this year’s anniversary, the people’s revolution under the leadership of the CPP-NPA-NDF is under a plan to move the armed struggle from strategic defensive to strategic stalemate in the next five years. Also in its statement, the revolutionary army is claiming that they grew in numbers this year.

Whose statistics should we trust?

We have the statistics from the government’s armed forces that is claiming that the revolutionary army is at its all-time low for the past 42 years. This claim came from a military institution who announces every year that the revolution will be ended by the end of the year and that no anniversaries will be celebrated the year after. And obviously, by the way, for the past 42 years has not been fulfilled.

We have, on the other side, the claims of the revolutionary army that they grew in numbers and that they were able to expand their guerrilla zones especially in Southern Mindanao. Now on its 42nd anniversary, the revolution is moving from its first phase to the second in its four-phase people’s protracted war. More than its armed strength, the party remains to be strong ideologically.

Who is more credible? Which side is more believable?

Yes, the people from inquirer are right when they said that this is just a propaganda war. This is just a battle of one’s side propaganda to the other. But mind you, some propagandas are more credible not to mention believable than the others. Talk about a credible army.

It is not true that communism is dead or, as the people from Inquirer are trying to tell us, will soon be dead. It is far from becoming a dead ideology. The resurgence of social movements anchored on Marxist philosophies cannot be a possible consequence of an ideology that is dying. Contrary to the claims of the article, there is a re-awakening of communist wars in different parts of the world. And this cannot be easily done by a dead or dying ideology. In the words of V, ideas are bulletproofs. The communist ideals are not just bulletproofs, they are immortal. For as long as an oppressive capitalist society exists, the people will find a way to rediscover the Marxist communist principles.

Those who are supporting the revolution are far from supporting a senseless war. The people’s demand for a just and equitable society anchored on human rights is far from being senseless. The people’s war in defense of the oppressed workers, farmers, youth and the women is far from being senseless. If there is anything lacking in sense here, it is the government that continues to be deaf and blind to the demands of its people. Senseless policies such as the continuing state abandonment of its responsibility to social services, the state repression and unjustified killings, the continuation of the concentration of lands to few wealthy landlords and the concentration of the power and money to members of the ruling class is but a shame to the sensible demands of the peoples of the revolution.

As the people’s revolution celebrate yet another year, the mainstream media, the government and other individuals are again busy with their annual habit. Year after year, these are the same people who propagate false ideas and unsubstantiated claims regarding the Philippine communist movement. Ranging from "Communism is dead" comments to whatever these people are doing - wasting their time typing articles, every year, these same institutions and individuals engages themselves in a propaganda war against the people’s revolution.  If there is anything lacking in sense here, it is these people who continually engages themselves in black propaganda against the people’s revolution. Some writers are just not in the right side of history, and well, senseless. Or some writers just do not know their history.

Unless the government is willing to change, dialogues will only mean propaganda wars. Unless the system changes, the people will continually wage a, yes, costly, but justified and sensible war. Imagine this government and weep.

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright