On Facebook (online) Activism
I’ve been asked by a first year UP Manila student probably an Arts student regarding my views on online activism. Apparently, she recognizes that I’m an online activist. However, she was not able to give me a definition of what online activism is or how she recognizes that a person is an online activist. Still, I gave her my insights regarding the topic.
I maintain a mainstream blog (www.clevearguelles.com) which contains all possible topics under the sun. Largely, my blog is an unorganized collection of my insights regarding different topics especially that concerns Philippine politics. I also use my blog as a personal journal. Aside from my blog, I also use social networking sites to cross-post my blog posts and insights on different issues. I use Plurk, Twitter, Facebook, Yahoo Meme and Tumblr to maximize my reach. If this counts as an online activism, I’m not that sure.
I believe that you can’t be an online activist without being an activist outside the virtual world. It lies on the assumption that the online world acts as an extension of the real world therefore, campaigns should be extended to the online world as well. The availability of new mediums to reach students regarding student sector’s campaigns should be maximized. Its effectiveness in reaching the students led me to use these mediums to share my campaigns and to mobilize them for these different campaigns.
This actually proves the contemporary theory that online activists became online activists out of necessity. Activists should maximize available mediums to reach the most number of people.
However, we should always consider the dangers of online activism. While online activism is a very useful form of activism that maximizes available mediums, it can only be regarded as an extension of traditional activism. It cannot be considered as a whole new form of activism.
Online activists tend to believe that their line of work is just limited in the virtual world. We must not commit the mistake of thinking that the virtual world is the “world” where campaigns should be brought. It only acts as an alternate world (extension) of the real world where campaigns should be really voiced out. Also, we must not always think that the Internet is a place where we can reach everyone or the majority of the people. Especially in the Philippines, the majority of the population does not have access to Internet. It actually defeats the purpose of the activism—that of reaching the most number of people regarding campaigns and to mobilize the most number of people out of these campaigns. Primarily, if our aim is to mobilize the greatest number of people, campaigns should be spearheaded outside the virtual world (but simultaneously extended to the online world). Lastly, online activism tends to encourage “clicktivism.” We are inclined to believe, because of online activism, that joining causes on Facebook or by re-tweeting campaigns on Twitter would automatically translate to social change. In reality, this is not true. Social change could be achieved through collective show of force, action, and dedication outside the walls of the internet. Our greatest aim remains to be that of arousing, organizing and mobilizing the most number of people for our cause.
But online activists are most welcome.
------------
Clicking like on Facebook on a status opposing the 1.39 B Peso Budget Cut to UP would not really help stop the passage of it in Congress. Joining this Friday's (September 24) nation-wide walkout of students against budget will do. Don't commit clicktivism. Be heard (not just in the virtual world).
Popularity: 5% [?]
Pagpapalit
Madalas ang dali lang sa atin ang magpalit ng mga bagay-bagay. Mabilisang pagpapalit ang ating ginagawa. Nagpapalit tayo ng damit, bumibili ng bago para sumunod sa uso. Nagpapalit tayo ng DP sa Facebook para alam nila ang bagong hitsura mo. Magpapalit ng cellphone para may Wi-Fi. Magpapalit ng laptop para mas mabilis. Magpapalit ng crush para mas kiligin. Magpapalit ng kaibigan dahil kailangan. Ang hindi lang madali sa pagpapalit ay yung mga bagay na ipinagpapalit.
Ilang buwan na ba ako sa konseho? Ilang buwan ko na bang ipinagpalit ang mga magulang ko para dito? Ilang buwan ko na bang ipinagpalit ang mga lunch at dinner dates with my friends para dito? Tama bang ipinagpalit ko ang labor day rally sa planning ng konseho? Tama bang ipinagpalit ko ang walong oras na tulog kada araw sa pagbantay sa opisinang laging kinakatok? Ilang buwan ko na bang ipinagpalit ang hobby ko ng pagbabasa sa pagtytype ng minutes ng konseho? Ang sarap sana tumira sa mundong wala kang kailangang ipagpalit.
Minsan, gusto kong maniwalang wala naman akong ipinagpalit. Gusto kong maniwala na pinagsasabay ko lang silang lahat. O kung meron man akong ipinagpalit ay tama ang aking desisyon. Ngunit minsan ay hinaharap ako ng mga kontradiksyon. Papalit-palit tuloy ang isip ko sa mga bagay na dapat kong ipagpalit.
Sana wala na lang opportunity cost sa lupa ng Peter Pan economics. Sana wala na lang konsepto ng pagpapalit o kaya naman ay trade-offs. Sana pala hindi ko na lang kayo ipinagpalit. Hindi rin.
Sapat ng malaman ko na kahit ipinagpalit ko kayo ay nandyan pa rin kayo. Hindi ako ipinagpalit.
Popularity: 3% [?]
Part II
Ikaw na ang mahal ko. Ikaw na ang mahal na mahal ko. Ikaw na ang hindi ako mahal. Ikaw na ang minsang ako ay mahal na mahal. Ikaw pa rin ba yan? Ikaw pa rin ba yan na minsan akong minahal? Ikaw pa rin ba yan na minsan kong minahal? Ay, yung akin palang minamahal? Nakasalubong na naman kita kanina. Shet. Ang saya.
Kaso hindi nga pala ikaw yun 'no? Bakit ba kasi sa kanya ikaw ang naalala ko? Imposible nga palang ikaw yung nakasalubong ko. Ikaw nga pala ay hindi nagpaparamdam. Ano? Sineswerte ako?
Ikaw na. Ikaw. E ako? Ako pa rin ba?
Popularity: 2% [?]
Tumbasan
Katumbas ng bawat ngiti mo ay ang paggaan ng loob ko. Katumbas ng bawat 'hi' mo ay ang pagsarap ng pakiramdam ko. Hindi ka naman espesyal at lalong hindi naman kita mahal. May naalala lang kasi ako sa'yo. Sa tuwing nakakasalubong kita sa kolehiyo, binabalik mo ang nakaraan ng buhay ko. Katumbas mo kasi ang nakaraan ko. Kaya naman napapangiti mo ako. Pero katumbas rin ng bawat ngiti mo'y mga Bad Vibes sa araw ko. Naalala ko kasi siya. Bwisit. Nakakaasar na memorya.
Ikaw na katumbas niya, magparamdam ka naman kasi. Kumustahin mo kaya ako? Miss na kasi kita eh. We can communicate easily now. Meron na ngang Facebook eh. Why can't you just tell me? I can accept it. Promise. Katumbas ng pag-amin mo ay ang katahimikan ko.
Minsan lang ako magsulat ng ganito. Malungkot lang kasi talaga ako. Ang lamig pa ng hangin at talagang may 'loneliness is in the air' feeling ako nitong mga nakaraang linggo. Pilit kasing napapaalala sa akin na may kulang sa buhay ko na minsang pinunan mo. Pero, alam ko, malabo na ito.
Tatanggapin ko nalang muna ang ngiti ng nakakasalubong ko. Tatanggapin ko nalang muna ang 'hi' na nagpapagaan ng loob ko. Tatanggapin ko nalang muna ang panandaliang ligaya na nararamdaman ko. Pero hindi siya ang nakaraan ko. Hindi mo siya katumbas. Wala kang katumbas sa puso ko. Ano? Pwede pa ba tayo?
Popularity: 3% [?]
Basyang and P-Noy
Binagyo ang Metro Manila kagabi at ang kalakhan ng Luzon. Na-highlight na naman ang "unpreparedness" ng ating government sa mga ganitong klase ng disaster. Kung tutuusin, dapat palagi na tayong handa sa mga bagyo dahil "normal" na lang ito sa atin. On the average, according to the EPIC PAGASA, we experienced 20 typhoons every year. Naka-dalawa na tayo, 18 pa! Way to go Philippines!
Nagreklamo ang mga tao dahil sa kawalan ng kuryente. Sa ganitong era ng buhay natin, we are really electricity-dependent human beings. Sinisi ng MERALCO ang National Grid Corporation. Inamin naman nito ang pagkukulang niya. Pero sa mahal ng kuryente natin (second most expensive in Asia), ang hirap tanggapin na nawalan ng kuryente ang buong Luzon. Alam naman nilang typhoon-prone ang ating bansa, hindi pa paghandaan.
Umangal rin ang National Disaster Coordinating Council at ang Office of Civil Defense kung bakit sila na naman ang sinisisi ng mga tao. Maliit lang daw ang budget nila. Kahit gaano sila kahanda, they can't mobilize enough forces to cover all the areas affected. Php 1 B to 2 B lang daw ang budget nila kada taon samantalang on the average ay nakakapaminsala ang mga bagyo sa loob ng isang taon ng mahigit na Php 20 B. Hello, President Noynoy?
At sino naman ang isa pang umangal?
Si President Noynoy. Nagalit daw siya sa PAGASA dahil sa mali at late nitong weather forecast. Nagpaumanhin naman ang PAGASA sa pangulo. Kulang daw kasi sila ng Php 18 B sa budget at wala namang enough na facilities and equipment para magsagawa ng early forecast. Kung bakit ba naman sinisisi ni Aquino ang PAGASA, eh kahit siya naman ay wala sa priority niya ang unahin ang budget ng ahensya nito. May karapatan kayang magreklamo si Aquino? O kahit si Arroyo? Hindi naman tayo nag-iinvest sa Science and Technology particularly sa Research and Development. Patuloy lang ang gobyerno sa "mis-prioritization" nito.
Sinabi pa ng PAGASA na kulang narin sila sa mga eksperto at scientists para magsagawa ng mga pag-aaral. Saan ba kasi pumupunta ang mag experts natin? Napakababa naman kasi ng sweldo dito. Isa pa, hindi binibigyan ng gobyerno ng budget ang mga State Universities and Colleges. Ipinapasara pa nga ang mga nito. E sila lang naman ang nag-ooffer ng mga "Metereology Degree Programs" o mga kursong may kinalaman sa weather and climate forecasting. SINONG DAPAT SISIHIN NGAYON?
Sinong ba ang nagbabawas ng budget sa SUCs? Sino bang gustong magpasara ng mga SUCs? Sino ba ang nagbabawas ng mga courses na hindi naman "marketable"? Sino ba President Noynoy?
Kaya patuloy ang hamon ko sa iyo at naming mga kabataan. Itaas ang budget sa education sector! Allot six percent of our GDP to the education sector!
WALKOUT. JULY 16.
IPAKITA ANG PANININDIGAN.
IPARINIG ANG PANAWAGAN.
Popularity: 3% [?]
Poverty Porn
POVERTY PORN.
Katawagan sa mga uri ng midya kagaya ng pelikula, dokyumentaryo, o larawan na pinatatampok at pinagsasamantalahan ang kahirapan para sa sariling ganansya. Madalas na nagagamit itong terminong ito sa pagpuna sa mga film makers sa mga Third World countries kagaya ni Brillante Mendoza. Sinasabing ang kanyang mga gawang pelikula ay nagsasamantala sa kahirapang nagaganap sa ating bansa upang ma-ibenta ito sa mga puti. Patok daw ito sa panlasa ng mga puti dahil sa exotic, thrilling at kakaibang setting ng kahirapan sa ating bansa. Balak bang pagkakitaan ni Alex ang kahirapan? Hindi natin malalaman. Pero dapat ring maipunto na hindi lang dapat ang filmmaker o photographer ang dapat akusahan ng mali. Mahalaga pa ring itanong kung ano ang naiiwan nito sa mga nakakita o nakapanood? Baka higit na dapat kwestyunin ang motibo ng mga audience? Ang dahilan lang ba ngpanonood mo ng mga pelikulang kagaya ng Tribu, Kinatay at Slumdog Milloniare ay dahil sa nakakatuwang mga eksena ng kahirapan? Enjoying?
Ilang tao na kaya sa Afrika ang nagamit ng mga taga-Kanluran upang mapagkakitaan? Yung mga litrato ng mga itim na malnourished o hindi kaya naman ay kumakain ng mga exotic foods. Ibinebenta ba ito ng kumukuha ng litrato? Humingi kaya siya ng pahintulot na kunan ng litrato ang mga taong ito? Ilang politiko na nga ba ang gumamit rin ng kahirapan para sa sariling ganansya? Pervasive. Poverty Pornography should be stopped.
MABILISAN: Poverty Porn.
Popularity: 4% [?]










