CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

25Aug/111

Firetrucks, Batuta at Bato: Argumentum Ad Baculum*

No Gravatar

Firetruck, batuta, bato---pandarahas ang iniharap ng Kongreso ng mapayapang ini-rehistro ng nagkakaisang hanay ng mga kabataan, health workers, guro, kababaihan, migrante, maralitang taga-lungsod at iba pang mamamayan ang pagkondena at pagtutol sa maka-dayuhan at anti-mamamayan na pambansang badyet para sa 2012.

Bitin na Badyet Para sa Edukasyon at Kalusugan

Ang Batasan at Ang Pagtutol sa Budget Cut

Kagaya ng sa nakaraang taon at sa panunungkulan ng mga nakalipas na pangulo, kakaltasan ang badyet ng edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong sosyal sa panukalang pambasang badyet ni Aquino para sa taong 2012.

Kinaharap man ng mga State Universities and Colleges ang makasaysayang pagkaltas noong nakaraang taon, kakaharap pa rin ito sa pagkaltas sa badyet ngayong taon. Kulang man sa classrooms, textbooks, teachers at CRs, walang signipikaEnteng pagtaas sa badyet sa edukasyon para sa susunod na taon. Sa halip ay kaltas pa nga ang aabutin. Titindi lang ang krisis sa edukasyon dahil sa papalala pang pagtaas ng tuition fee at iba pang bayarin sa mga pamantasan, pagtaas ng drop-out rate sa high school at pagdami ng mga hindi nakakatapos ng kolehiyo.

Pagkilos ng Mamamayan Laban sa Health at Education Budget Cut

Kung bitin ang kabataan, bitin din ang mamamayan sa badyet na ilalaan ni Aquino para sa serbisyong pang-kalusugan. Humigit kumulang P44B lamang ang ilalaan sa pangkabuuan para sa pangangailangang medikal ng lahat ng Pilipino. Malayong-malayo ito sa P440B na rekomendasyon ng WHO bilang minimum na alokasyon na badyet para sa kalusugan. Kahit pa sa P90B na hiling ng mga health workers na badyet, hindi parin ito umobra. Halos limampung ospital ang makakadanas ng napakalaking pagkaltas sa badyet. Pero hindi na bago sa atin ang pagkaltas na ito. Sasalubong sa atin sa susunod na taon ang papalalang dami ng bilang ng mga pasyente na hindi nakakakita ng doktor o nars sa kanilang buong buhay o yung mga kahit kailanman ay hindi nakapasok ng mga ospital o kahit health center man lamang. Kulang na kulang na nga sa mga pasilidad, bitin na bitin na nga sa sahod ang mga kawani, kaltas pa sa badyet ang aabutin.

Malinaw ang dahilan kung bakit nagprotesta sa Kongreso. May kaltas na naman sa badyet para sa serbisyo at hindi na naman prayoridad ng gobyerno ang edukasyon at kalusugan ng mga Pilipino. Malinaw na kaya nagtungo ang mamamayan sa Batasan ay dahil si Aquino at ang kanyang pamahalaan ay muling ibinabasura ang mga karapatan ng mga mamamayan.

Sobra na Badyet Para sa Pork Barrel at Militar

At talaga  namang kagaya ng dati ang pambansang badyet para sa taong 2012, business as usual at walang pagbabago.

Habang bitin ang mamamayan para sa badyet sa mga serbisyong kinakailangan, umaapaw ang pondo para sa mga ahensyang wala namang pakinabang ang mga mamamayan. Kagaya sa nakaraang taon, tumaas na naman ang badyet para sa militar at depensa na kung hindi naman pangunahing lumalabag sa karapatang pantao ay palagiang nasasangkot sa korapsyon at iba pang anomalya. Hindi pa nakuntento noong nakaraang taon, itinaas pang muli ang pork barrel ng mga kongresista't senador na siyang nagiging batis para sa korapsyon. Ganun din sa intelligence fund ng pangulo at badyet para sa pambayad sa utang sa mga dayuhang bangko at gobyerno na halos kakain sa napakalaking bahagi ng pambansang badyet.

Pahayag ng Pakikiisa ng UP Student Regent

WengWang na Prayoridad ni Aquino

Sa badyet pa lang, malinaw na kung ano ang prayoridad ng pamahalaang Aquino. Walang matuwid na daan, walang tuwid na paggastos at walang tuwid na pamamahala. Nadagdagan na naman ang badyet para sa mga bulsa ng tao sa pamahalaan pero higit pang nabawasan ang badyet para sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Matapang na Talumpati ng Former UP Student Regent Laban sa Dispersal

Lehitimo ang mga panawagan. Malinaw ang rason ng protesta. Mapayapa ang pagtungo sa Kongreso. Sana humarap ang mga dapat sana'y kinatawan ng mamamayan sa Kongreso. Tama lamang na harapin ng mga kinatawan ng mamamayan ang mga mamamayang may lehitimong panawagan at iginigiit ang kanilang mga karapatan. Dapat ay bukas ang kanilang mga tanggapan kung may mga hinaing at panawagan ang kanilang mga kinakatawan.

Pasismo ng Estado

Pero imbes na mga kinatawan ang humarap, ang iniharap sa atin ay mga firetrucks. Sa halip na usapan at pakikinig sa mga panawagan, hinarangan tayo ng mga kapulisan. Ang inaasahan natin ay batuhan ng argumento laban sa argumento pero ang ibinigay sa atin ay mga bato mula sa mga basag na paso. Hinarap ng mamamayan ang mga kinatawan upang magpayahag ng pagtutol. Ang iniharap sa atin ay dahas at pasismo habang pipi, bulag at bingi sa ating mga panawagan.

Hindi nakakapagtaka na may mga kabataang sumasapi sa hukbo ng bayan at pinipiling lumaban sa pamahalaan ng patas sa dahas sa dahas.

Kapag ipinanawagan mo ang mas mataas na badyet sa edukasyon, ang isasagot sa iyo ay tubig mula sa firetrucks. Sobra na lang sigurong makapagtaka ang mga mamamayang paulit-ulit na nasusunugan dahil sa kawalan ng mga firetrucks. Buti pala dito sa Kongreso, marami sila hindi lang para sa apoy kung hindi para sa tao.

Kapag iginiit na dapat dagdagan ang badyet ng mga ospital at pagamutan, papaluin ka ng paulit-ulit ng mga batuta ng mga ka-pulisan. Mapa-bata o matanda, hindi ka mapag-iiba sa mata ng mga pulis. Buti pa sa atin, matatapang ang mga pulis, sana ganun din noong Manila Hostage Crisis.

Kapag ginusto mo ng badyet para sa pahabay at iba pang batayang serbisyo, babatuhin ka lamang ng gobyerno. Mabuti pa ang mga kongresista at iba pang opisyales ng gobyerno, inuulan ng pera. Samantalang ang kanyang mga mamamayan ay inuulan ng bato.

Dahas ang isinagot ng estado ni Aquino. Walang maisagot sa ating mga katanungan, walang maihain sa ating mga panawagan. Para sa mga hindi tumututol, ang isasagot ay pananakot at pandadahas. Gusto ng pamahalaang tumahimik tayo.

 

 

Wala na. Kitang-kita na talo na talaga sa usaping ito ang gobyerno. Wala ng humaharap sa kanila at dahas na ang sumasalubong sa ating mga protesta. Hindi na nila alam ang isasagot nila at nababagabag na sila sa galit ng mamamayan. Talo na dahil nailantad na na walang maipakitang makatwirang rason ang pamahalaan sa pagkaltas sa badyet sa social services. Talo na dahil kinailangan nya ng mandahas upang sya ay paniwalaan.

Sa pamamagitan ng firetruck, bato at batuta, ipipilit sa atin ng pamahalaan na sila ay paniwalaan. Pero sa pamamagitan ng ating masusing pag-aaral, pagmumulat sa iba at nagkakaisang protesta, malabong magtagumpay ang pamahalaan.

UP Manila Strike Against Budget Cuts

Sa mga ganitong laban, mas malakas na armas ang paninindigan kaysa sa kung ano pa man. At sa usapin ng paninindigan, hindi bitin dito ang mamamayan. ###

*Argumentum Ad Baculum- Argument from stick (Latin); Fallacious argument

------------------------------------------------------

Komprehensibong pagsusuri ng Anakbayan sa panukalang pambansang badyet ni Aquino para sa taong 2012. Basahin, suriin at ipaalam sa iba.

Natipon na mga larawan, pahayag at iba pang bahagi ng protesta laban sa budget cut sa Batasan mula sa Arkibong Bayan.

Selective, over-sensationalized and misreported coverage ng protesta sa Batasan ng GMA Channel 7.

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
26Apr/098

006-010

No Gravatar

006. Student Assistant

I'm currently a Student Assistant in the best department in UP Manila, Department of Social Science. (Hahahaaa! :D) Its not that hard naman though ang haba ng working hours. This is for summer lang naman, hopefully. I have to answer the telephone every now and then (which is so fun!), to distribute/release class cards to those who are so masipag to get them, to deliver outgoing files to their right places, to inform professors of something or sometimes everything, to supervise/manage the reservation of DSS' equipments and of course, to do anything that they want me to do.  I applied for the student assistanship because I will be in school rin naman for most of the summer dahil FBC na ako. :D

007. FBC

Yeapp. I'm a Freshman Block Coordinator na. I'll be handling the BioChemistry block (WTF!) and i'll also help them adjust to college life (Awww). I will also help them finish their Physical and Dental Examination and their Enrolment. In short, I'll be with them most of their freshman days. Hahahaha! :D What a punishment for them! Hahaha. XD

008. CS

I'm so happy that I finally achieved something after my elementary days. Hahaa. This is a surprise for me because I got 4.0 in my Math 11. Luckily, I've passed the removal exams. At parang hindi pa ako masaya, ginawa pa akong CS. To all those na non-UP students, CS stands for College Scholar which is the same as the Dean's Lister in other Universities. :D Am i over-celebrating?

009. The Effing 'Fourth Way'

Eff. Talagang walang kinabukasan ang Pilipinas sa set of legislators natin ngayon sa House of Representatives. WTF! House Resolution 737 and 1109 are craps. I understand a handful of things naman. Hahaaa. Changing the economic provision to benefit the foreigners is not a good idea, its like selling the Philippines to other countries. Soon it will be Philippines run by the Japanese or the Americans. (The Republic of the Philippines by the Government of Japan/America) Hahaaa. XD As if hindi pa bad idea ang pag-change sa economic provision, gumawa pa kayo ng FOUTH WAY. Eff! Bicameral ang Congress natin. Elementary pa lang, alam na yan.

010. DLSU College of Law

Let's see after five years. :D Maganda naman ang roster of faculty.

Popularity: 2% [?]

  • Share/Bookmark
   
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright