CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

26Jun/109

Poverty Porn

No Gravatar

POVERTY PORN.

Katawagan sa mga uri ng midya kagaya ng pelikula, dokyumentaryo,  o larawan na pinatatampok at pinagsasamantalahan ang kahirapan para sa sariling ganansya. Madalas na nagagamit itong terminong ito sa pagpuna sa mga film makers sa mga Third World countries kagaya ni Brillante Mendoza. Sinasabing ang kanyang mga gawang pelikula ay nagsasamantala sa kahirapang nagaganap sa ating bansa upang ma-ibenta ito sa mga puti. Patok daw ito sa panlasa ng mga puti dahil sa exotic, thrilling at kakaibang setting ng kahirapan sa ating bansa. Balak bang pagkakitaan ni Alex ang kahirapan? Hindi natin malalaman. Pero dapat ring maipunto na hindi lang dapat ang filmmaker o photographer ang dapat akusahan ng mali. Mahalaga pa ring itanong kung ano ang naiiwan nito sa mga nakakita o nakapanood? Baka higit na dapat kwestyunin ang motibo ng mga audience? Ang dahilan lang ba ngpanonood mo ng mga pelikulang kagaya ng Tribu, Kinatay at Slumdog Milloniare ay dahil sa nakakatuwang mga eksena ng kahirapan? Enjoying?

Pelikula ni Brillante Mendoza na nagwagi ng Best Director sa Cannes Film Festival

Kadalasan sa mga bata umiikot ang tema ng mga pelikulang "poverty porn"

Ilang tao na kaya sa Afrika ang nagamit ng mga taga-Kanluran upang mapagkakitaan? Yung mga litrato ng mga itim na malnourished o hindi kaya naman ay kumakain ng mga exotic foods. Ibinebenta ba ito ng kumukuha ng litrato? Humingi kaya siya ng pahintulot na kunan ng litrato ang mga taong ito? Ilang politiko na nga ba ang gumamit rin ng kahirapan para sa sariling ganansya? Pervasive. Poverty Pornography should be stopped.

MABILISAN: Poverty Porn.

Popularity: 4% [?]

  • Share/Bookmark
   
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright