CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

21Mar/099

Tayong Dalawa

No Gravatar

Lately, na-observe ko na maraming nanonood ng Tayong Dalawa. Paano ko nalaman? Ganito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

On my way home, nakasalubong ko ang dalawang bata.

Read their conversation.

A: Andaya mo! Ba't ikaw si JR? Ha?

B: Eh, sa akin bagay yun. Dali na!

A: Edi ako mamamatay na kaagad, konti pa nga sasabihin ko.

B: Ang arte mo naman.

A: Ako na si Dave. Sige na. (walk-out!)

HAHAHA. Funny no? Judging from their looks, eh mga 8-10 years old lang sila. Kung ano-anong pinapanood nila. HAHA. :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After a make-up class on Psychology, I visited my grandmother and my cousins in Paco, Manila. I've been unable to visit them for the last two months na ata eh, so excited yung mga young cousins ko. As in EXCITED! Yung sumisigaw pa, Kuya Kevin! Hahaha. And upon arriving at the door, the two youngest joyfully approached me ...

A: Kuya, patay na si Dave!

B: Oo nga, patay na nga si Dave!

A: Pero nabuhay na naman siya kuya.

B: Pero ampangit niya na. Kumusta ka na?

Pre-occupied muna sila sa Tayong Dalawa bago ako tinanong kung kumusta na ako. They are seven and five years old only. Di na ba sikat si Barney? O kaya si Dora? Si Blue at Spongebob? HAHA. :D

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

tayongdalawaposterTayong Dalawa is a (Primetime Bida) drama series aired by ABS-CBN. The story of the series around two half-brothers who share the same name, same career, same aspirations and sama lady of interest. Its main cast includes Jake Cuenca, Gerald Anderson and Kim Chui.

Hindi ko 'to napapanood kasi tulog pa ako palagi. Haha. :D Recap na ng NEWS paggising ko eh. Pero may alam naman ako dito, Soldier down! HAHAHA. :D

Popularity: 2% [?]

  • Share/Bookmark
28Aug/0820

Kabataan : Isang Pagtatanong

No Gravatar

Kabataan:Isang Pagtatanong
C.C Marquez, Jr.

Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
Saan natin ihahatid itong ating inang batan?
Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan
Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan?
Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan
Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…
Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman 
Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;

(namiss ko yung Hertz nung nabasa ko to, ansaya talaga ng HS, i miss our practices para sa sabayang pagbigkas tapos si riel maingay! hahaha. :D nagpapagalit sya kahit mahal nya tayo. yee! :D miss hertz! grabe! sana rewind para masaya! enjoy the rest of the tula ...)

Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,
Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!

Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon 
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?
Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy
At wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?
Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong
Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?
Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon 
Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?
Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?

Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,
Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,
Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?
Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla 
Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?
Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag-asa nga,
Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?
Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-
Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!

Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?
Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa
At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa
Ang likas mong panooring makulay na zarzuela,
Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina 
Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,
Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;
Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha
Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!

Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,
Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?
Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,
Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;
Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,
Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…
Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat
Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;
Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,
Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.

Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong mangag-isip,
Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?
Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig,
Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalit

Ang kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit
Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;
Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,
Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!

Popularity: 17% [?]

  • Share/Bookmark
   
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright