Firetrucks, Batuta at Bato: Argumentum Ad Baculum*
Firetruck, batuta, bato---pandarahas ang iniharap ng Kongreso ng mapayapang ini-rehistro ng nagkakaisang hanay ng mga kabataan, health workers, guro, kababaihan, migrante, maralitang taga-lungsod at iba pang mamamayan ang pagkondena at pagtutol sa maka-dayuhan at anti-mamamayan na pambansang badyet para sa 2012.
Bitin na Badyet Para sa Edukasyon at Kalusugan
Kagaya ng sa nakaraang taon at sa panunungkulan ng mga nakalipas na pangulo, kakaltasan ang badyet ng edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong sosyal sa panukalang pambasang badyet ni Aquino para sa taong 2012.
Kinaharap man ng mga State Universities and Colleges ang makasaysayang pagkaltas noong nakaraang taon, kakaharap pa rin ito sa pagkaltas sa badyet ngayong taon. Kulang man sa classrooms, textbooks, teachers at CRs, walang signipikaEnteng pagtaas sa badyet sa edukasyon para sa susunod na taon. Sa halip ay kaltas pa nga ang aabutin. Titindi lang ang krisis sa edukasyon dahil sa papalala pang pagtaas ng tuition fee at iba pang bayarin sa mga pamantasan, pagtaas ng drop-out rate sa high school at pagdami ng mga hindi nakakatapos ng kolehiyo.
Kung bitin ang kabataan, bitin din ang mamamayan sa badyet na ilalaan ni Aquino para sa serbisyong pang-kalusugan. Humigit kumulang P44B lamang ang ilalaan sa pangkabuuan para sa pangangailangang medikal ng lahat ng Pilipino. Malayong-malayo ito sa P440B na rekomendasyon ng WHO bilang minimum na alokasyon na badyet para sa kalusugan. Kahit pa sa P90B na hiling ng mga health workers na badyet, hindi parin ito umobra. Halos limampung ospital ang makakadanas ng napakalaking pagkaltas sa badyet. Pero hindi na bago sa atin ang pagkaltas na ito. Sasalubong sa atin sa susunod na taon ang papalalang dami ng bilang ng mga pasyente na hindi nakakakita ng doktor o nars sa kanilang buong buhay o yung mga kahit kailanman ay hindi nakapasok ng mga ospital o kahit health center man lamang. Kulang na kulang na nga sa mga pasilidad, bitin na bitin na nga sa sahod ang mga kawani, kaltas pa sa badyet ang aabutin.
Malinaw ang dahilan kung bakit nagprotesta sa Kongreso. May kaltas na naman sa badyet para sa serbisyo at hindi na naman prayoridad ng gobyerno ang edukasyon at kalusugan ng mga Pilipino. Malinaw na kaya nagtungo ang mamamayan sa Batasan ay dahil si Aquino at ang kanyang pamahalaan ay muling ibinabasura ang mga karapatan ng mga mamamayan.
Sobra na Badyet Para sa Pork Barrel at Militar
At talaga namang kagaya ng dati ang pambansang badyet para sa taong 2012, business as usual at walang pagbabago.
Habang bitin ang mamamayan para sa badyet sa mga serbisyong kinakailangan, umaapaw ang pondo para sa mga ahensyang wala namang pakinabang ang mga mamamayan. Kagaya sa nakaraang taon, tumaas na naman ang badyet para sa militar at depensa na kung hindi naman pangunahing lumalabag sa karapatang pantao ay palagiang nasasangkot sa korapsyon at iba pang anomalya. Hindi pa nakuntento noong nakaraang taon, itinaas pang muli ang pork barrel ng mga kongresista't senador na siyang nagiging batis para sa korapsyon. Ganun din sa intelligence fund ng pangulo at badyet para sa pambayad sa utang sa mga dayuhang bangko at gobyerno na halos kakain sa napakalaking bahagi ng pambansang badyet.
WengWang na Prayoridad ni Aquino
Sa badyet pa lang, malinaw na kung ano ang prayoridad ng pamahalaang Aquino. Walang matuwid na daan, walang tuwid na paggastos at walang tuwid na pamamahala. Nadagdagan na naman ang badyet para sa mga bulsa ng tao sa pamahalaan pero higit pang nabawasan ang badyet para sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Lehitimo ang mga panawagan. Malinaw ang rason ng protesta. Mapayapa ang pagtungo sa Kongreso. Sana humarap ang mga dapat sana'y kinatawan ng mamamayan sa Kongreso. Tama lamang na harapin ng mga kinatawan ng mamamayan ang mga mamamayang may lehitimong panawagan at iginigiit ang kanilang mga karapatan. Dapat ay bukas ang kanilang mga tanggapan kung may mga hinaing at panawagan ang kanilang mga kinakatawan.
Pasismo ng Estado
Pero imbes na mga kinatawan ang humarap, ang iniharap sa atin ay mga firetrucks. Sa halip na usapan at pakikinig sa mga panawagan, hinarangan tayo ng mga kapulisan. Ang inaasahan natin ay batuhan ng argumento laban sa argumento pero ang ibinigay sa atin ay mga bato mula sa mga basag na paso. Hinarap ng mamamayan ang mga kinatawan upang magpayahag ng pagtutol. Ang iniharap sa atin ay dahas at pasismo habang pipi, bulag at bingi sa ating mga panawagan.
Hindi nakakapagtaka na may mga kabataang sumasapi sa hukbo ng bayan at pinipiling lumaban sa pamahalaan ng patas sa dahas sa dahas.
Kapag ipinanawagan mo ang mas mataas na badyet sa edukasyon, ang isasagot sa iyo ay tubig mula sa firetrucks. Sobra na lang sigurong makapagtaka ang mga mamamayang paulit-ulit na nasusunugan dahil sa kawalan ng mga firetrucks. Buti pala dito sa Kongreso, marami sila hindi lang para sa apoy kung hindi para sa tao.
Kapag iginiit na dapat dagdagan ang badyet ng mga ospital at pagamutan, papaluin ka ng paulit-ulit ng mga batuta ng mga ka-pulisan. Mapa-bata o matanda, hindi ka mapag-iiba sa mata ng mga pulis. Buti pa sa atin, matatapang ang mga pulis, sana ganun din noong Manila Hostage Crisis.
Kapag ginusto mo ng badyet para sa pahabay at iba pang batayang serbisyo, babatuhin ka lamang ng gobyerno. Mabuti pa ang mga kongresista at iba pang opisyales ng gobyerno, inuulan ng pera. Samantalang ang kanyang mga mamamayan ay inuulan ng bato.
Dahas ang isinagot ng estado ni Aquino. Walang maisagot sa ating mga katanungan, walang maihain sa ating mga panawagan. Para sa mga hindi tumututol, ang isasagot ay pananakot at pandadahas. Gusto ng pamahalaang tumahimik tayo.
Wala na. Kitang-kita na talo na talaga sa usaping ito ang gobyerno. Wala ng humaharap sa kanila at dahas na ang sumasalubong sa ating mga protesta. Hindi na nila alam ang isasagot nila at nababagabag na sila sa galit ng mamamayan. Talo na dahil nailantad na na walang maipakitang makatwirang rason ang pamahalaan sa pagkaltas sa badyet sa social services. Talo na dahil kinailangan nya ng mandahas upang sya ay paniwalaan.
Sa pamamagitan ng firetruck, bato at batuta, ipipilit sa atin ng pamahalaan na sila ay paniwalaan. Pero sa pamamagitan ng ating masusing pag-aaral, pagmumulat sa iba at nagkakaisang protesta, malabong magtagumpay ang pamahalaan.
Sa mga ganitong laban, mas malakas na armas ang paninindigan kaysa sa kung ano pa man. At sa usapin ng paninindigan, hindi bitin dito ang mamamayan. ###
*Argumentum Ad Baculum- Argument from stick (Latin); Fallacious argument
------------------------------------------------------
Komprehensibong pagsusuri ng Anakbayan sa panukalang pambansang badyet ni Aquino para sa taong 2012. Basahin, suriin at ipaalam sa iba.
Natipon na mga larawan, pahayag at iba pang bahagi ng protesta laban sa budget cut sa Batasan mula sa Arkibong Bayan.
Selective, over-sensationalized and misreported coverage ng protesta sa Batasan ng GMA Channel 7.
Popularity: 4% [?]
Few notes on the UPM Welcome Ceremonies and CAS Orientation
I attended the Welcome Ceremonies for First Year students of UP Manila for the third time. Yung una ay yung first year pa ako. The second time naman, I'm an FBC na. And for this time, FBC again plus ASAP-Katipunan. This year's Welcome Ceremonies is a bit different (the seating arrangement, Chancellor's speech and the program). But the change's for the better naman.
Few notes:
I led the LR of ASAP-Katipunan for this year's Welcome Ceremonies! Thrilling! :D This year's LR focuses on challenging the Aquino administration to jail PGMA and to prioritize the education sector. At syempre, patuloy ang paghamon sa mga Iskolar ng Bayan na tugunan at solusyonan ang problema ng lipunan. It was fun! But more than the experience, naipahatid natin ang paghamon natin sa mga bagong Iskolar ng Bayan. Naging maganda pa ang pagtanggap and they're doing their own research about "TOFI." Good! :) Aabangan ko ang mga freshies na ito sa mga pagkilos! Marami tayong haharapin this year Isko and Iska! :D
I attended this year's College Orientation of CAS this year for the third time rin. Yung ikatlo, bilang isang council member sa CAS Student Council. This year's CO is so different! Bukod sa hindi siya ginawa sa Kolehiyo sa GAB Roofdeck at sa halip ay sa PGH Science Hall, they invited UP ROTC to give a speech/lecture/discussion/seminar. Nakakagulat lang! Napakahaba ng naging pagtatanghal ng UP ROTC. Few notes on this note: Nakakapagtaka lang. Ang daming tuition fee grant at free ang uniforms sa ROTC. Nagagastusan talaga ito ng gobyerno? Military spending versus education spending? Could have been a tuition fee of another freshie student na hirap financially. Could have stopped the increase in tuition fee. Another note. Pansin niyo kung gaano karami ang kailangang palitan na kagamitan sa UP? Bulok ang mga gamit and most of the equipments including the classrooms were old. Pero bakit sa ROTC, kumpleto? Judging from the slideshow of pictures that they've showed, kumpletong-kumpleto at bago ang mga kagamitan. From the different types of guns, tanks and other artillery materials, well-equipped sila. Anong meron sa ROTC? Bakit hindi gawing bago ang mga kagamitan sa UP para mahasa lalo ang mga estudyante? Bakit kailangang pagkagastusan ng masyado ang ROTC? Ang hilig natin sa gyera. Keep this in mind people, education is our key to success. How much is a gun? How much is a tank? How much yung cannon na yun? Sana pang tuition fee na lang.
Can't help but rant. Can't help but tell this truth. Why are we not prioritizing spending on the education sector? And judging from Aquino, nothing will change. This will just be business as usual. Another six years of suffering. Let's do something. Are you one with me?
Popularity: 4% [?]










