CLEVE.ARGUELLES dotcom Change. Struggle. Revolution!

29Mar/106

For the Holy Week: Liberation Theology

No Gravatar

Semana Santa na naman. Madaming Pilipino na naman ang matutuwa dahil may extended na bakasyon kapag Holy Week. Two days of additional vacation is really something to look forward to especially in this kind of situation. Trabaho, bahay, trabaho. Minsan lang ang bakasyon! Lalo naman sa mga estudyante na umpisa pa lang ang bakasyon! Diretso sa beach lahat ngayon! Napaka-init pa naman! Kahit may recession at patuloy ang pagyaman ng mayayaman, okay lang gumastos dahil minsan lang ito sa isang buong taon. Pero I would just like to leave a short note for you Christians to take note of for this Holy Week.

Panahon ito ng paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan at pagkabuhay ni Kristo. Sabi nga nila, ito ang panahon ng pinakadakilang sakripisyo--- ang pag-aalay ni Hesus sa kanyang buhay para mailigtas ang lahat ng mga tao mula sa kasalanan. Heroic. At ngayong ginuginita natin ito, bukambibig ng lahat ng mga pari at Kristyano na nawa’y pagnilayan natin ang naging buhay ni Hesus at isabuhay ito. Sundin natin ang kanyang mga aral at sumunod tayo sa kanya.

Behind Wires

From the point of view of Liberation Theology na sa tingin ko ay tama at napakahalagang pagbabago sa relihiyon ay dapat isa-konteksto natin ang mga aral ni Hesus sa pag-liliberate sa mga mahihirap. Tandaan nating ang mga disciples ni Hesus ay hindi mga “educated” cabinet members from the top universities or from the prominent families, they came from the basic sectors of the society. Apat sa kanila ang mangigisda, may mangaggawa at meron rin namang tax collector. They are chosen and called by Jesus to be his apostles. Tumira si Hesus sa bahay ng kanyang mga magulang na hindi rin naman mayayaman. He never lived in a mansion kagaya ng tinitirhan ng Pope o kahit man lang ang mga napakaraming napakalaking simbahan.  He lived with the people at nakisama sa kanila. Hindi niya ipinagkakait ang kanyang nalalaman at ibinabahagi ito sa lahat ng mga makakasalubong. We could never blame Jesus for being pro-poor. The kingdom of God is dedicated to them. That’s what the Bible says. At lalong hindi niya hinayaan ang isang sistema ng pang-aapi. He challenged the emperor and even the High Priest. Jesus himself lived like a poor, in real material poverty, not a spiritual one. His criterion of a just life was practical material aid for one's neighbor. Madaming naka-away si Hesus dahil sa kanyang pagtalikod sa mga organized at ritualized religion noong kanyang panahon na hindi naman sumasalamin sa kanyang prinsipyo na love thy neighbor.  At hanggang kamatayan ay ipinagtanggol niya ito. He was executed by the order of the Church authority that felt threatened in its organization and power. Sa pag-aaral na rin ng mga Bible Scholars, yung mga tumuligsa at nanawagan sa pagkakapako sa krus niya ay yung mga middle class at mayaman dahil sila ay napahintulutang masali sa paghahatol. Hindi bukas ang palasyo ni Poncio Pilato sa lahat kaya naman ang mayayaman lamang ang nakakapasok rito. Tinuligsa siya ng mga saserdote at ang mga opisyales ng empiryong Romano pero hindi niya tinalukiran ang kanyang dapat gampanan. This is not a social analysis, this is the Bible not taken out of its context.

Red Christ

Para sa linggong ito, hindi sa pagkain ng isda makikita ang pakikiisa natin sa sakripisyo ni Hesus kundi sa pagyakap sa kanyang mga aral at ang pakikipag-isa sa batayang sektor ng lipunan. This is a parallelism between the violet season and the red march. Pagpupugay sa Liberation Theology!

"Authentic socialism is Christianity lived to the full, in basic equality and with a fair distribution of goods."

Popularity: 2% [?]

  • Share/Bookmark
   
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes

© 2009-2012 CleveArguelles dotcom All Rights Reserved -- Copyright notice by Blog Copyright